CHAPTER 48

109K 1.4K 37
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.



ANNA'S POV....



"Mommy!!!" humahangos na pagtakbo ni Cristine papalapit sakin. Nasa likod naman nito ang kakambal na si Carlo.

Nagtungo si Cristine sakin likod at hagikhik ang tawa habang si Carlo nama'y pawisan ang ulo.

"Ang daya mo naman Cristine,sabi mo pagnahabol kita ikaw naman ang taya." nang huminto ang lalaki't nagsquat samin harapan.

"Eh Carlo sige na, ikaw muna ang taya." pilit nitong tinatayo ang tinatamad na kapatid.

Kanina pa kasi sila takbo ng takbo.

Ipinatong ko ang labahin sa bakanteng mesa at humarap sa mga ito.

"Mommy si Carlo oh, ayaw tumayo." pagsusumbong ng babae.

"Eh mommy ayoko na, hindi ka naman natataya eh." reklamo pa nito.

"Sige, pagmahabol mo ulit ako, ako na ang taya promise.." nag taas ng kanan kamay si Cristine at nagcross finger.

"Hmp.promise yan ha." dahan dahan tumayo si Carlo at nagnod naman ito.

"Teka, hindi pa ba kayo maliligo, pawisan na kayo." ani ko sa kanila ng tatakbo na sana.

"Mamaya na mommy, mabango pa naman po kami eh." pinaamoy sakin ni carlo ang kanyang damit, nag-act naman ako na parang nangangasim ng maamoy ko ang kanyang damit.

"Asim na anak, ligo na kayo." ginulo ko pa ang kanyang buhok.

"ikaw po ba magpapaligo samin?" 

"Hindi baby, kailangan nang umalis ni mommy, may meeting pa siya sa office." habang hinuhubaran ko ng damit si Carlo.

Nakita ko naman ang pagpout ng kanilang mga labi.

"Tyra will be here in a minute."

"eh mommy nakita ko po si yaya, meron po siyang kausap na lalaki sa may gate" tinuro nito ang nakaawang namin na gate at nandun nga ang baklitang kasama namin sa bahay.

Napailing ako at napameywang.

"Dito lang kayo, I'll call yaya tyler." nagtungo ako samin gate. 



"Ikaw naman justine, hindi mo naman sinabi na gusto mo pala ng load." kinukurot nito ang braso ng kausap.

"Eh nakakahiya naman sayo tyra kong manghihingi pa ako." 

aba ang lakas talaga ng loob ng baklitang ito na maglandi sa harap ng bahay ko. pinabayaan pa pati ang dalawang bata.

"Ano ka ba, okay lang yun basta ikaw." kinagat pa nito ang pang-ibabang labi and nagtucked ng ilang hibla ng buhok.

"Sige, hihintayin ko ang load ha, gawin mo nang 100 para matawagan pa kita mamaya."

nangilabot ako sa mukha ng justine nato. ito ang hardinero sa katapat na bahay namin.

Bukod sa pareho sila ni tyra na no space for new tagyawat ang mukha, nagpuputukan ang masel nito na para bagang goons o dika yung palaging binubugbog sa pelikula.

nangingimtab din ang balat nito sa sobrang itim at nakakasilaw ang kulay ng buhok na parang araw.

"Oo, basta yung usapan natin ha.." tumikhim na ako baka iba pa ang aking marinig.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon