CHAPTER 40

106K 1.6K 91
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT



-Anna's POV...

Nanginginig ang aking mga tuhod habang tinatakbo ko ang daan palabas ng building.

Hindi ko na kaya pang manatili sa lugar na'to.

He already made his choice at malinaw na sakin kung sino ang pinili niya.

Impit ang mga luha sakin mga mata at gusto ko nalang sumigaw ng mga sandaling ito.

Hinawakan ko ang aking tyan.

Pano na ako?

Pano na kami ng mga anak ko?

Hindi ko malubos maisip na ganon kadali kay Cyrus ang bitawan kami na kanyang pamilya.

Patawarin niyo ako mga anak. Ginawa na ni mommy ang lahat para sa Daddy, pero hindi tayo ang kanyang pinili.

Labis labis ang pagpapahirap ang nararamdaman ko para sa mga anak ko.

Hindi pa sila sinisilang sa mundong ito ay pinagkaitan na sila ng pagkakataon magkaron ng isang masaya at kompletong pamilya.

Anong kasalanan ko para masaktan ako ng ganito?

Anong kamalian ang ginawa ko para maramdaman ang unti unting pagkadurog ng puso ko?

Hindi sapat ang salitang sakit para mabigyan ng kahulugan ang nararamdaman ko ngayon at walang pwedeng makapawi ng galit sakin puso ng mga oras na'to.

Kinasusuklaman ko sila.

Mga Hayop!!

Niloko lang nila ako. 

Pinaniwala ako..

Ang tanga tanga ko!!

Bakit ko hinayaan ang sarili ko na masaktan ng ganito?

At ang mas nagpapahirap sakin nararamdaman ay mas pinili ni Cyrus ang babaeng yun kesa samin.

Wala nga talaga akong halaga sa kanya.

Wala kaming halaga na kanyang pamilya.

Ayoko na!!

Pagod na pagod na ako makaramdam ng ganitong sakit.

Paulit ulit lang.

Paikot ikot lang.

"Anna are you okay?" ani henry ng makasalubong ko siya pagbaba ng elevator.

Nakakunot ang noo nito.

"Si tricia? anong nangyari kay tricia?" hindi ko siya sinagot at pailing iling na nilagpasan ko lamang siya.

Wala na akong marinig kundi ang dahan dahan paglagatok at pagdurog ng aking puso.

Basag na basag na ang bawat piraso nito, 

Basag na basag ang puso ko para sa walang kwentang pagmamahal na'to.

Ito ang tunay na reyalidad.

Sa magulong mundong ito,

Hindi mo na alam kong ano ang tunay.

Kung ano ang tama at kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan.

Nalaman ko na ang bawat pangako ay hindi pwedeng pagtibayin ng kahit na anong papel para sa legalidad.

Ang mga halik ay walang kasiguraduhan kong hanggang kelan magiging matamis.

Mga magagandang salita na walang assurance kong totoo ba o hindi.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon