CHAPTER 21

104K 1.6K 15
                                    

 PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...



Cyrus POV

 

"Mukhang mahirap nga yan dude." Anis akin ni Nilo. Napadpad ako sa labis ko na pag-iisip sa Bar at ito agad ang unang kong naisip na tawagan. Naikwento ko na rin sa kanya ang pagkikita namin ni tricia at bakas sa mukha ng aking kaibigan na nahihirapan rin ito kung sino ang papanigan sa dalawang magkapatid.

"Hindi ko na alam pare kung ano ang gagawin ko, Naawa ako kay tricia, wala siyang kasalanan sa mga nangyari samin. kung sana hindi nangyari yun, eh di sana kami ang magkasama ngayon."

"Pero si Anna." Sabay mura ko. "Kahit ginago niya ako pare, mas naawa ako sa kanya eh. kanina halos lumuhod na siya sakin harapan para magpaliwanag, pero hindi ko kayang makinig ng ganun lang."

"All this time, inako ko ang lahat ng pagkakamaling yun, pero lahat pala ay kasinungalingan lamang."

"Pare dapat pinakinggan mo muna si Anna kung bakit niya nagawa yun."

"Hindi ganun kadali yun Nilo, Pano mo pa paniniwalaan ang isang tao, Kung puro kasinungalingan ang pinaniwala niya sayo noon. Pano mo tatanggapin ang paliwanag na yun, kung nagdodoubt ka na baka ibang estorya na naman ang gagawin niya."

"Pero pare, diba sabi mo samin noon ay napilitan lamang si Anna na matuloy ang kasal niyo. Ang pagkaalam ko nga'y isang buwan na ang bata ng malaman niyong buntis siya."

"Tsaka pare, Kung talagang ginusto niya ang mga nangyari, eh di sana nung nalaman niyang buntis siya eh naghabol na agad si Anna. Ito na sana ang gumawa ng paraan para makasal kayo agad." 

Sandali akong natahimik at nag-isip sa sinabi nito. Tama si Nilo, sana noon nalaman ni Anna na buntis siya ay ito na ang naghabol sakin. Naalala ko pang pilit itong nagtatago at lumalayo. Bagay mas lalong nagsasabi sakin na pakinggan ko ang aking asawa.

Pinaglaruan ko ang yelo sa alak at nanatili ang aking mga mata doon.

"Hindi sa kinakampihan ko ang asawa mo o anuman, pero what if, hindi naman niya talaga gusto ang nangyari? Na wala sa plano ang pikutin ka at paghiwalayin kayo ni Tricia?"

"That's her plan. Yun ang sabi niya." Mariin kong sabi sakin kaibigan.

"Binubuo ko ang pamilyang meron kami ng walang anumang bahid ng kasinungalingan. Binibigay ko ang lahat ng oras, atensyon, mga pangangailangan niya at ginagawa ko ang responsibilidad ko bilang padre de pamilya."

"Pero." Napamura ako at nayukod. Pinigilan kong mapiyok ang aking boses dahil ayaw kong maging mahina sa harap ni nilo.

"Ang tanga ko, hinayaan ko siyang makapasok dito oh." Napailing ako at kagat ko ang aking labi.

"Hinayaan ko siyang palitan ang pagmamahal ko kay tricia, at mas masakit ngayon, mas masakit." Mariin kong kinuyom ang baso ng alak. Nakakapanlumong isipin na ang taong akala ko ay hindi ako kayang saktan ay hihiwain ang aking puso na parang wala akong nararamdaman.

Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid.

She's the most confusing woman I ever known. Pagkatapos ng mga nalaman ko ngayon, hindi ko na alam kong ano pa ba ang dapat kong panghawakan, Kung bibitawan ko rin ba siya kagaya ng ginawa ko kay tricia o hahayaan kong yakapin ang sakit at piliin kalimutan ito?

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon