CHAPTER 13

121K 1.8K 17
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..


Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Cyrus hanggang sa makarating kami ng bahay.

Bitbit niya ang mga pinamili naming grocery at pagkalapag niya lang sa kusina ay nagkulong na ito sa kwarto.

Bagay na mas lalo kong kinabahala dahil wala siyang salitang sinasabi sa kong ano ang kanyang nararamdaman.

Bagsak ang aking balikat na napaupo ako sa couch at hinawakan ko ang aking tyan.

His upset.

Alam kong hindi timing ang pagkikita nila ng kanyang mga kaibigan pero hindi naman maiiwasan ng mga ito na magtanong.

Anthon has a feeling for me. College palang ako ay consistent na itong nanliligaw.

Nakilala ko siya dahil sa kapatid ko ng minsan pumunta sila ng bahay kasama ng ilang mga kabarkada nito.

Noon paman, todo tanggi ko na sa kanya dahil may iba akong gusto. Hindi ko alam kong may ideya na ito kung sino subalit nagpatuloy pa rin ito sa pangungulit sakin.

Nahinto lamang ito nang maging abala na si Anthon sa kanilang mga negosyo.

Hindi mahirap gustuhin si Anthon.

Mabait ito, mapag-alaga. Alam kong faithful rin ito sa taong mahal niya. Gwapo. Full package ika nga. Pero hindi naman natin matuturuan ang ating puso kong sino ang mamahalin natin diba.

Kahit na sa kanya pa ang lahat ng katangian ng pagiging ideal man, kung hindi mo siya gusto, hindi talaga.

Napaangat ang tingin ko ng Makita ko si Cyrus na pababa galing ng aming kwarto. Punong puno ng pag-alala ang kanyang mga mukha at sunod sunod rin ang ginawa nitong buntong hininga.

Nagtungo ito sakin at naupo sakin tabi. Hinihintay ko siya na magsalita hanggang sa pagsiklutin niya ang aming mga daliri.

"Are you mad at me?" putol niya samin katahimikan.

Umiling ako at naglagay ng ngiti sakin labi. Wala naman akong dahilan para magalit, siya nga itong inaalala ko dahil nagkasagutan sila ng kanyang mga kaibigan ng dahil sakin.

"Ikaw Daddy, are you mad at me?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong. Siya naman itong napailing at nakangiting yinakap ang aking likod. Kinulong niya ako sa kanyang mga bisig at dinampian niya ng halik ang aking balikat.

Inalis niya ang ilang hibla ng aking buhok na nakalagay sakin leeg at napapikit nalang ako ng maramdamn muli ang pag-akyat ng labi nito doon.

"Hinding hindi ako magagalit sayo Mommy. I'm sorry for acting such an asshole earlier. Hindi lang ako naging handa sa kanila."  Nanatili ang ulo nitong nakapatong sakin balikat. Hinaplos ko ang kanyang braso na nakayakap sakin.

"I understand. Kahit ako rin naman. Iyon nga lang, masyado ata silang nabigla." Nailalarawan muli sakin isipan ang naging reaksyon ng mga kaibigan nito, especially si tina na close friend ni Tricia.

Nanatili nga talagang lihim ang mga nangyari samin nitong nakaraan linggo. Kahit mismo ang aking kapatid ay hindi pinaalam sa mga ito ang kinahantungan ng kanilang relasyon. Umaasa sila na kahit nagkalayo silang dalawa ni Cyrus ay manunumbalik ang dati nilang pagtitinginan.

"Ipaalam man natin sa kanila o hindi, magugulat at magugulat sila."

"Hindi ka dapat naging harsh kay Anthon." Pinisil ko ang kanyang ilong. Binalinang lamang ako ng "Tsk" at nakita ko ang kanyang pag-irap sakin sinabi.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon