CHAPTER 62

105K 1.5K 28
                                    


"Teacher Sabelle!! Teacher Sabelle!!" Sigaw ng dalawang bata ng makalabas sila sa sasakyan.


Hila hila ng dalawa ang ama at naiwan akong nag-aayos ng mga gamit.


Hindi na rin nagtagal at sumunod na ako sa kanila. Nasa likod ko si Tyra bitbit ang mga gamit ng mga bata.


Sumalubong sakin ang nagtatakbuhan estudyante ng eskwelahan; pami-pamilya ang mga naroon. Nakita ko sa parteng oval na may nilagay silang parang kulungan at palo sebo.


May palayok din nakasabit at mga banderitas. Animoy fiesta lang ang mukha ng buong eskwelahan.


"Naku Mr. Brazil, nakakahiya naman po." Nakita ko ang pagtucked ni Teacher Sabelle ng kanyang buhok sa tenga at pinamumulhan ito ng pisngi.


Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagbabanta ng mga kulisap sakin tyan. Para itong nag-aalsa balutan at sa isang maling galaw lang ng mga taong nakikita ko'y dadanak ang dugo sa eskwelahan ito.


"Yes you are. Kaya hindi na ako nagdoubt kung bakit matatalino ang mga anak ko, syempre dahil yun sa kanilang teacher." Hindi siya sound's like nagfeflirt o ano, pero iyon ang dating sakin tenga at ang pasimpleng paghataw ng kinikilig na teacher sa braso ng aking asawa ay isang senyales na kailangan kong maglagay ng barikada sa kung ano ang akin.


Nakatalikod sakin sila Cyrus at ang namumulang kamatis na mukha ni Teacher Sabelle ang aking nakikita. Lumabas ang pagkamestisa nito at ang pademure na galaw nito habang nakayuko sa kausap.

Umigham ako para maramdaman nilang nasa likod lang ako.


Sumalubong sakin ang abot tengang ngiti ni Cyrus pero agad din naman nawala nang makitang salubong ang aking mga kilay.

"Mrs. Brazil, kamusta po?" Casual na bati sakin ng maestra. Halos walang nagbago sa anyo nito ng humarap sakin.


"I'm okay, ikaw?" Pinigilan kong wag maging sarcastic sa harap nito, mabuti nalang at may natitira pang pisi sakin pagtitimpi.


"Ayos lang din naman ho." Tila naramdaman nito ang init ng aking dugo sa kanya.

Naramdaman ko ang pagdausdos ng kamay ni Cyrus sakin beywang gayundin ang pagsiklot ng daliri nito sakin.


" Mauna na ho ako, I hope na mag-enjoy kayo sa event this day." Paalam samin ni Teacher Sabelle. Hindi ko maiwasan mapairap kahit nakalayo na ito sakin. Naramdaman ko ang pagpisil ni Cyrus sakin kamay at naabutan ko itong nangingisi ngisi.


"What?!" Okay OA na ang aking reaction.


"Obvious na obvious talaga ang pagmamahal mo sakin mommy. Nakakapang-init." Bahagya nitong enistretch ang katawan at napahagalpak ng tawa.


Tinapik ko ito sa balikat.


Naiinis ako.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon