CHAPTER 27

100K 1.4K 29
                                    

-PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT-



Cyrus POV..

Kasama ko ngayon si Tricia. Nandito kami sa isang mall sa Ortigas. Kagagaling niya lang magpacheck up sa isang kilalang Clinic at hinila niya ako rito dahil meron daw siyang bibilihin.

Nasa likod namin ang isang nurse at dalawang body guard na nagbabantay. Bukod sa may sakit si Tricia, pinag-iingatan rin ng kanyang mga magulang na makalabas ito sa media lalo pa't kilala ito sa larangan ng Fashion industry.

Ayaw nilang maging mukha ng mga pahayagan ang kanilang anak na may sakit at pag-isipan nababaliw na ito.

Base sakin obserbasyon nitong mga nakaraan araw at sa mga kwento ng mga taong nakasama niya sa New York ay may tendency itong magwala at maghesterika na lamang kapag hindi nabibigay ang gusto. Bukod sa sinasaktan nito ang sarili, kadalasan rin ay hindi nito maiwasan makasakit ng iba.

Bagay na ayaw kong mangyari lalong lalo na kay Anna.

Nakahawak siya sakin braso at hindi nito ako magawang lubayan kahit sa pagpasok sa Clinic. Hinahayaan ko nalang din siya na sabihin sa iba na mag-asawa kami at ako ang ama ng kanyang dinadala.

I don't know.

Ayoko lang na maghesterika ito sa mga bagay na hindi ko maibigay. Nangako ako kala Papa Bernardo na tutulungan ko siya sa paggaling subalit habang tumatagal ang aking pagkukunwari, parang lalo lang siya lumalala.

"Babe, samahan mo ako dun?" tinuro nito ang shop ng mga lingerie at underwear. napabuntong hininga ako sabay sinenyasan ang mga body guard samin likuran.

Mabuti na rin ito kesa ang magkulong ito sa bahay nila.

Kanina nung nagtext sakin si mama ay nag-aalala na naman ang mga ito.

Hindi kumakain si tricia at ako lang ang hinahanap.

Iniwan ko na nga lang ang trabaho ko sa office at pinacancel ang lahat ng meeting para lang puntahan ito.

"Cyrus bagay ba ito sakin." lumabas siya ng fitting room suot ang manipis na lingerie.

hapit na hapit ang katawan nito at lumitaw ang mahahabang biyas ng hita.

Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"Jesus!! wag kang lalabas ng ganyan ang suot mo." at pinabalik ko siya sa loob.

Mas nagulat ako sa kanyang inakto ng hilahin ako papasok ng fitting room at siniil ng halik.

napamura ako, when she hold my crotch.

"Tricia ano ba!" Bahagya akong lumayo sa kanya. Pero masyadong matigas ang ulo nito at lumingkis muli sakin leeg at hinalikan ako.

"I want you Cy..please.." Ang boses nito ay nang-aakit na siyang nagpatayo ng aking mga balahibo sa leeg.

Hindi ako magpapadala sa tukso na dala ni Tricia.

Dahil sa pag-iwas ko ay di ako nakabalanse dahilan para matumba kaming dalawa. Siya ay nakaimbabaw sakin.

"Fuck Cyrus!!" Sigaw ng babae samin harapan.

Nanlaki bigla ang aking mata ng makilala yun.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon