CHAPTER 45

99.9K 1.4K 49
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.


-Anna's POV....



Maingat akong lumabas sa likod ng bahay.


Sinigurado kong walang makakapansin sakin habang nililisan ko ang sambahayan ng mga Veloso.


Ito na ang desisyon ko; ang iwan ang lahat ng mga bagay at mga taong magpapaalala sakin ng sakit at pagkapoot.


Ang iwan ang lahat ng mga bagay na kinagisnan ko at mabuhay ng mag-isa malayo sa mga taong mapanakit sakin.


I have to leave kung gusto kong makalimot at kong gusto kong magbago.


Dahil habang nakikita ko at nakakasama ko ang mga taong nanakit sakin, nauulit at nauulit lang ang sakit na hindi ko alam kong kaya kong bitawan.


Simula sa mga nalaman ko nitong mga nagdaan araw, mga nakita at narinig ko.

Mga taong akala ko ay mapagkakatiwalaan.

Nalaman ko ngayon, na sa mundong ito.


Sarili mo nalang ang pwedeng mong pagkatiwalaan.

Na kahit may pamilya ka at mga taong malalapit sayo,

darating ang araw na tatraydurin ka rin nila.

darating ang araw na sasaksakin ka nila patalikod at iiwan kang nakandusay at duguan.


Iiwanan kang sugatan at papasagasaan sa daan.


Napakasakit isipin na lahat sila, nagawa nila akong paglihiman at paniwalaan sa mga nangyari.


Simula sa mga magulang ko, kay tricia, kay Cyrus, kala anthon, and worst sa nag-iisang taong akala ko ay hindi ako ipagkakanulo, kay jocel.


I've heard everything.


Klarong klaro ang lahat at walang mintis na pumasok sa utak ko na kasama siya sa mga taong nanakit sakin.


Gusto ko siyang sugurin ng mga sandaling iyon at ipamukha sa kanya na wala siyang kwentang kaibigan.


Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko,

ito ang igaganti nila sakin.


Lahat sila, pare pareho sila.

Pinagkaisahan nila ako.


At heto ako ngayon, patuloy na nagluluksa at nasasaktan.

Akala ko makakaya kong tanggapin ang trahedyang nangyari samin.

Makakaya kong tanggapin muli si Cyrus at mabuhay kasama siya.


Ang matutunan erespeto muli ang aking mga magulang at mabalik ang pagtitiwala ng mga ito sakin.


Pero sa kabila ng pagpipilit kong pulutin ang bubog ng pira-piraso kong puso, nakikita ko pa rin ang crack sa bawat parte nito.


Nakikita ko pa rin ang marka at pilat na hindi na kailan man mawawala.

Yes, you can spend the rest of your life picking up every pieces of yourself, but what's the point?


I am now broken.


at habang nanatili ang sugat ay hindi ko sila mapapatawad sa lahat ng ginawa nila sakin.


Silang lahat na sumira ng aking pangarap at buhay.


Ipagkakait ko sa kanila ang kapatawaran hinihingi nila sakin hanggang sa matutunan kong kalimutan ang lahat.


I'm leaving because they leave me no choice but to run away.


At kailan man ay hindi ko na nanaisin pang bumalik sa bahay na'to.


Mabubuhay ako at makakabangon ako sa lahat ng kapighatian dinanas ko.


makakakaya ko to.


Hindi ko kailangan ng mga magulang na magpapadama sakin ng di patas na pagmamahal, nang kaibigan na sa hinaba haba ng byaheng magkasama kayo ay bibitawan ka't ibabaon ka pa sa lupa. Hindi ko kailangan ng lalaking magbibigay sakin ng walang hanggang sakit at magkakait sakin ng kaligayahan.


At sa mga pagkakataon ito ay kailangan kong ibangon ang aking sarili mula sa pagkalunod sa isang malaking delubyo.


Kailangan kong makaahon at buuin muli ang aking sarili.

Kalimutan ang isang bangongot at mabuhay ng malaya.

Malaya sa anumang sakit,

Malaya sa mga taong nananakit sakin.


At alam ko ganun din sila.

Kinulong nila ang kanilang mga sarili sa isang sitwasyon na ako ang kanilang inaalala.


Gumagawa sila ng mga desisyon base sa kong ano ang tama sakin, at hindi kong ano ang makapagpapasaya sakin.


This time I will let go of the pain,

I will forget what happen but I will not forgive them.

Because everything happened to me is Unforgiven.


I will chase my dreams with my own and build new life away from them.


at hinding hindi na ako babalik sa magulong buhay merun ako.

Tatalikuran ko ang aking pagkatao at bubuo ng panibago.


Ibabaon ko ang dati Anna at gagawa ng sarili kong Kapalaran.

yung bato na ang puso at hindi na kayang saktan pa ng iba.


Nalaman ko na hindi dapat ako namamalimos ng Pag-ibig sa mga taong wala naman kayang ibigay sakin.


Kalayaan kong hindi maghabol at mabuhay na naayon sa gusto ko.


Hindi ko kailangan mag-invest ng oras at pagmamahal sa mga taong wala naman pagpapahalaga sa binibigay ko.


I'm not a pathetic housewife.


I'm tired of giving everything kasi alam ko, at the end of the day, I will end up with nothing.



THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon