CHAPTER 39

96.8K 1.5K 69
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...



"Anna's POV..."

Hindi ko alam pero may kabang unti-unting nabubuhay sakin dibdib.

Pakiramdam ko ay may di magandang mangyayari sa araw na'to.

Pero inalis ko yun sakin isipan. 

Ito ang araw kung san ako makikipag-ayus sakin kapatid; kung kelan kami aalis ng bansa.

Hinawakan ko nang mahigpit ang aking bag habang binabaktas ang daan patungo sa unit ni Cyrus at dahil na rin siguro sa lalim ng aking pag-iisip ay di ko namalayan ang pagbunggo sakin ng isang babae.

"I'm sorry." ani ko sa isang teenager. Inirapan lamang ako nito at nagtuloy tuloy na sa paglakad.

Nahinto ako sa tapat ng unit na sinasabi ni Tricia.

Alam ko to dahil tumira kami dito ni Cyrus ng ilang linggo nung bago palang kami ikasal.

Sinubukan kong magdoorbell pero walang sumasagot.

Kumunot ang aking noo.

Naghintay ako ng ilan pang sandali tsaka nagdesisyon ipihit ang doorknob.

Nakabukas...

Dahan dahan kong pinihit iyon at kadilim ang tumambad sakin.

Maliban sa kwartong nakaawang ang pinto, nakita ko ang ilang baso sa mesa, pero mas naagaw ang aking atensyon ng makita ko ang pamilyar na polong nakalagay sa sahig sa pintuan ng kwarto.

Kasunod ay ang pares ng panlalaking sapatos na nakakalat din dun.

Dali dali akong kinutuban.

Kinakabahan ma'y nagawa kong ihakbang ang aking mga paa ng dahan dahan.

Rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso at sa bawat pagbilis nito'y tila tumitigil din ang pahinga ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng makarinig ako ng kunting ungol sa kwarto.

May nagsasabi sakin na wag ko nang ituloy ang aking pagpasok sa kwarto, pero pinipigilan ako ng kaba sakin puso.

Pinikit ko ang aking mga mata, habang binubuksan ang nakaawang na pinto at hindi ko nagawang gumalaw ng muli kong imulat yun.

-Cyrus POV....

I moaned nang makaramdam ako ng pagkagat sakin labi.

 

"Ahh.." ani ko habang umiindayog ang katawan sakin ibabaw.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata,

Sa una'y medyo blur ang nakikita ko, pero nung sinubukan kong ikurap kurap ang aking mga mata, doon ko nakilala ang babaeng nasakin ibabaw.

Napamura ako "tricia!!" sigaw ko.

Pero mas nabigla ako ng may kamay na humablot sa buhok ni tricia dahilan para mahulog ito sa baba.

"MGA WALANGHIYA  KAYO!!!" 

"Anna.." Ani ko. 

Nagimbal ako sa nakita ko sakin sarili. Topless na ako't nakasuot na lamang ng boxer shorts.

"MGA HAYOP!!" Dinambaan ni Anna ang kapatid na namimilipit at pinagsasampal.

Agad naman akong natauhan at inalis ko ito sa ibabaw ni tricia.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon