CHAPTER 23 (present times, next to 17)

122K 1.9K 36
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT



BACK TO PRESENT

 

ANNA'S POV

"Ate, mukhang kanina pa tayo sinusundan ng papabolls na yan sa likod natin ah." manaka nakang mangisay itong si Tyra kakalingon sa hayop na lalaking sumusunod samin.

Hindi ko pinansin ang sinabi ng yaya at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

hindi ko alam kung anO ang plano ng damuhong ito pero kung nandito siya para gambalain ang pamamasyal namin, tumigil na siya.

"Mommy pwede ba akong magpabili ng bagong race car." nginuso ni Carlo ang isang remote control na race car.

"Ako rin mommy, I want a new barbie doll. wala na kasing kalaro si Tammy eh." Cristine is referring to her barbie doll na taon na ata ang tinagal sa kanya.

"Ayy ang mga tyanak ang daming gusto, ateng yung usapan na mudpack ko ha." pasaring ni tyra sakin. nailing nalang ako.

Alam ko naman na gipit ako sa mga oras na'to. Hindi pa naman ubos ang ipon ko pero kailangan kong magtipid dahil simula bukas ay maghahanap na ako ng trabaho.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko naman pwedeng biguin ang dalawang bata lalo pa't ngayon ko lang sila napasyal muli sa mall.

Tumango ako sa kanila.

Sign of defeat.

Tsaka ko na iisipin yung mga gastusin. ang mahalaga ay ang ngayon, kasama ng mga anak ko.

"Oh hayan, ang ganda nito Cristine oh. morena ang kulay."

"Ayaw ko nyan, ang gusto ko yun oh." Hindi ko alam kung nananadya ba itong anak ko na pahirapan si Tyra. Tinuro ba naman ang nakalagay sa tuktok na manika.

"Ayy gusto ko rin yan, wait tawagin ko lang ang sales lady..." Aalis na sana ito pero hinila siya ni Cristine.

"No, gusto ko ikaw ang kumuha ng doll." Humalukipkip ito sa harap ng yaya.

Ngumisi si tyra na tila nahahalatang pinagtitripan na naman siya ni Cristine.

"Baby, hindi abot ni yaya yung doll eh, kaya kailangan ng tulong."

"No, gusto ko ikaw ang kumuha!!" Mariin sabi pa nito kay tyra.

Lumapit na ako at nagsquat sakin unica hija.

"Cristine, yung napag-usapan natin kanina. Diba sabi mo magbehave ka." Hinawi ko ang magulo nitong buhok. May kunting pawis ang leeg nito dahil sa pagtakbo nila ni Carlo.

bigla naman itong nagpout.

Ang kulay itim nitong Iri sa mata ay malalim na nakatitig sakin.

"Sorry mommy." yumukod ito pagkatapos.

"It's okay. We will have that barbie doll. " Tinawag ko na ang sales lady. nakahinga naman ng maluwag ang bakleta kung kasama.

"Thank you ate." Halos maluha pa ito habang sinasabi yun.

"It's okay." 

Nagtagal pa kami ng kaunti sa Toy Kingdom dahil kay Carlo. Ayaw niya ng normal na toy car lang. Gusto niya ang isang Hess Race car.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon