CHAPTER 56

106K 1.6K 70
                                    




Hindi na ako nagsalita sa mga nangyari buong araw. Naging tahimik rin sila cyrus patungkol don at sinang-ayunan lamang ang lahat ng nadiscuss at naepresent ko sa kanila kanina.

Wala si nilo. Ang sabi ng kanyang Secretary ay umalis ito kasama ng model kanina. Hindi na ako magtatanong kung ano ang ginawa nila.

I'm sure nagtitirikan na ang kanilang mga mata habang lumulutang sa alapaap.

Hindi ko na rin nakita sila sarah at hindi ko alam kung umuwi na.

Mr. Lao are also here, at siya lang ang bukod tanging nagprotesta dahil hindi kinuha ang anak niya na model.

Pinaliwanag ko sa kanya ang lahat kung bakit at kung sino ang mga napili namin.

But to my dismay, hindi siya pumayag,

"Kahit papano ay may karapatan pa rin naman ako sa mga desisyon ng kompanya. My daughter is expecting to be the brand ambassadress ng CBS sardines." May hinanakit sa pananalita nito ng magsimulang magtanungan pagkatapos ng presentation.

 

"I understand Mr. Lao and we also respect your ownership of the company, but this model's has been selected by the board and believe me, nilagay namin sa linya si Sarah."

Narinig ko ang kanyang pagtsk, at umirap ito sakin.

Desperation is written on his face at kapag hindi siya pagbibigyan ay para siyang granadang kapag tinanggalan mo ang gantilyo ay sasabog.

Mr. Lao is a good person. Wala akong naging problema sa kanya kahit nung nagsisimula palang ako sa trabaho. In fact siya pa nga ang naglagay sakin sa posisyon ko ngayon.

"Mr. Lao may ibang project na nakahanay para sa anak niyo. Kinausap ko na rin siya tungkol rito and she even say yes to that."

"That's ridiculous." Bulalas nito kay Ms. Jamie na nagulat rin sa naging reaksyon nito.

"My daughter deserved to be the brand ambassadress of this product. Nakakawalang respeto naman ang desisyon ginawa niyo maging sa pamilya ko." I saw bitterness on his eyes.

Ramdam ko ang pait sa kanyang boses na kulang nalang ay humagulhol ito.

Kung noon ay nasusunod ang desisyon nito, ngayon ay hindi na. Kailangan pagbotohan ang lahat ng desisyon at kailangan pabor yun sa bawat taong bumuboto.

Kung matalo ka ay tanggapin mo kung ano at sino ang nanalo.

Isa isang nagbuntong hininga ang mga taong nasa loob habang si Cyrus nama'y nakatuon ang mga mata sakin habang pinaglalaruan ang mga daliri.

jezz.

That look.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon