🌸CHAPTER 30🌸

1.5K 39 1
                                    

Chapter 30 -- ADOPTED

ILANG araw at buwan ang lumilipas, ang sugat ko mula sa pagkakaopera ay unti-unti nang naghihilom. Ngunit ang kirot sa aking puso ay nananatiling nandito. Lalo na sa tuwing makikita ko si Clark kasama si Maureen.

Mukha silang masaya habang ako ay pasimpleng nagdurusa.

Hindi pa rin ako kinikibo ni Ate Zaira. Malamang ay masama pa rin ang loob nito sa akin. Hindi ko naman ito masisisi. Masyado ko siyang nabastos sa ospital nung araw na malaman kong ampon ako.

"Baby, ano ba gusto mong mangyari sa 16t birthday mo? Enggrande ba?" tanong ni kuya sa akin nang minsan ko itong makasalubong sa sala.

Nagkibit-balikat lang ako. "Kayo na ang bahala," sambit ko. Nahuli ng mga mata ko si ate Zaira na pababa ng hagdan. May dala itong makapal na libro.

"Of course, kuya. Kailangan ay enggrande ang magiging party ng ating bunso." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Nakababa na ito sa hagdan at nasa tabi ko na.

"A-ate,"

Hinawakan niya ko sa braso saka niya ko tiningna nang deretso.

"Zairene, gusto ko sanang humingi ng pasensya sa mga nagawa at nasabi ko. I'm so sorry kung naging bad ate ako for you," aniya na maluha-luha ang mga mata. "S-sana mapatawad mo si ate Zaira. Concern lang ako kay daddy and of course, sa'yo. I love you and I always do. Tinuring kitang tunay na kapatid dahil mahal kita."

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay saka ngumiti.

"You're forgiven, ate. I'm sorry din kung naging kontrabida ang tingin ko sa'yo. Masama lang talaga ang loob ko pero ngayon... I'm fine."

Nagtinginan sina kuya at ate.

"Sure ka?"

Pilit kong pinagsigla ang aking boses saka malapad na ngumiti.

"Yes!" wika ko.

Nagtawanan kaming tatlo saka nag-asaran. Nauwi kami ng mga kapatid ko na panonood ng movie. Sunday ngayon at sa Wednesday na ang aking kaarawan.

Kung hindi ko siguro nalaman na adopted child lang ako ay baka nag-demand ako ng grand party sa kanila. Kaso, tinamaan ako ng hiya dahil nga ampon lang ako.

"Kakausapin ko si daddy mamaya 'pag uwi niya from shooting. I think mas gusto no'n na magka-party si Zairene," wika ni ate habang kumakain kami ng popcorn.

"Ate, hindi na kailangan. Kahit family dinner na lang ay sapat na sakin."

"No. It's your birthday. Sixteen ka na at dapat paghandaan 'yon!" aniya. Binato pa ako ng popcorn kaya gumanti ako saka kami nagtawanan.

"Ang ingay naman!" Nakasimangot si kuya nang sulyapan kami. "Wala na akong naintindihan sa pinapanood ko! Ang ganda pa naman ni Ashley Kruz sa palabas na 'to!"

Nagtawanan kami ni ate. "Sarreh!"

Paborito kasi ni kuya ang nasabing artista. Schoolmate sila nung highschool, sa St. Francis din.

Patay na patay si kuya rito noon pero ang laki ng pagtataka ko nung hindi manlang nito pinapansin ang kapatid ko.

Nag-usap pa kami ni ate sa mahinang boses nang may kumatok sa pinto ng aming entertaiment area room.

"Yes, manang?" tanong ko nang pagbuksan ito ng pinto.

"Nandito po ang kaklase ni Ma'm Zaira," ani aming katulong. Nakatingin kay ate na nasa couch. Tumayo ito saka lumapit sa kinatatayuan ko.

"Sino raw siya?"

"Si Ma'm Blaire po,"

Awtomatikong napaungol si kuya. Napunta sa kaniya ang aming mga mata. "Why?"

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang