🌸CHAPTER 29🌸

1.3K 34 2
                                    

Chapter 29 -- COURTING

HINDI ako nakapag-focus ng araw na iyon. Lutang ang aking isipan at tila kay bigat ng aking dibdib. Kinakausap ako ng mga kaibigan ko at ibang kaklase pero oo at hindi lang ang isinasagot ko. Minsan nga ay tango at iling.

"Tamlay mo 'ata?" Nagitla ako nang biglang maupo sa aking tabi si Mikael. Seryoso siyang nakatitig sa akin. "Masakit ba ang sugat mo?"

Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Hindi naman."

Abala ang mga kaklase ko sa iba't ibang mga bagay dahil free time namin. Sina Dashna at Tony ay nagpunta muna sa kani-kanilang mga hawak na clubs.

"Bawal ka na sumayaw?"

"Hmm," sagot ko. Sumandal ako sa aking silya saka tumingala at pumikit.

Pakiramdam ko maliit ang lugar na ito para sa amin ni Clark. Alam ko, nandito siya sa room at kasama ang mga kaibigan niya. Paniguradong kasama rin ang kaniyang girlfriend.

Bumuntong-hininga ako ng wala sa sarili.

"Lalim niyan,"

"H-huh?" Bigla akong napadilat nang magsalita si Mikael.

"Sila na pala ni Maureen," anito na bahagyang umiling. "Akala ko ba kayo?"

May kung anong bagay ang bahagyang nagigising sa puso ko. May maliit na gakmlit ang muling nabubuhay para kay Mikael dahil tingin ko ay mangingielam na naman siya.

Dapat nga pala ay galit ako sa kaniya dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi kami magkakagalit ni Clark.

Inirapan ko ito. "Leave me alone. I don't need your companion," sabi ko.

Tumawa ito ng mahina.

"Zairene, kahit hindi mo sabihin, alam kong nasasaktan ka," bulong nito. Nakatingin siya sakin pero tagusan.

"I'm fine, Mikael. Ayokong pag-usapan ang bagay na tapos na. Tama na, please!" Mahinang sabi ko.

Dahil ayokong mabinat sa sobrang stress, tumayo ako at dinampot ang aking sling bag pati ang ilang mga libro.

"Where are you going? Nag-uusap pa tayo?" Hinawakan nito ang braso ko.

Tinapunan ko ng tingin ang kaniyang kamay na nkahawak sakin. Ganoon din ang ginawa nito saka binitawan.

"I need some fresh air to breath in. Masyadong masikip ang apat na sulok ng kwartong ito para sa atin nila Clark," turan ko. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong hinawakan sa kamay. Muntik ko pang mabitawan ang aking mga librong dala dahil sa gulat. "Mikael, bitawan mo ko," sabi ko.

"No."

"Ano ba!?" Hinila ko ang kamay ko pero humakbang siya palapit sa akin. Bahagya pa akong napatalon nang maramdaman ang kaniyang paghinga sa aking kaliwang tainga.

"Nakatingin si Clark. Huwag ka naman magpahalatang nasasaktan ka. Subukan mong pagselosin 'yang ungas na 'yan," nakangisi niyang bulong. Sinalubong ko ang mga mata niya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi ako naniniwalang mahal niya ang Maureen na 'yon, Zai. Ginagamit lang niya ang babaeng 'yon dahil gusto ka niyang kalimutan," nanatili sa mahina ang boses ni Mikael. "Let me help you. Pagselosin natin siya."

Natigilan ako.

Mayamaya ay lumayo na ito saka nilahad ang kamay. Nakangiti ito ng malapad.

Wala sa sarili akong napalingon sa bandang likod. At doon ko nahuling masama ang tingin ni Clark sa kamay na nakalahad ni Mikael. Nagngangalit ang panga nito at tila madilim ang awra.

Bahala na nga.

Ngumiti ako ng pilit saka ipinatong ang kamay sa naghihintay na palad ng aking kaibigan.

Halos mapatalon naman ako nang biglang may bumagsak na kung ano. Bumaling ang tingin ko sa gawi nila Clark at doon nakita ko ang dalawang silya na nakatumba. Sa harap noon ay ang prenteng nakaupong naka de-kuwatrong si Clark. Nilalaro ng hinlalaking daliri nito ang ibabang labi saka nakatitig sa mga silya.

Tila inaaral kung paano dudurugin ang mga iyon.

Napalunok ako nang tumayo ito.

"B-babe? Are y-you okay?" tanong ni Maureen. Halata sa mga mata ang pagtataka. Hinawakan pa nito ang braso ni Clark pero inalis din ng huli. "C-clark?" tawag pa niya nang magsimulang lumakad ng mabagal si Clark papalapit sa amin.

Tinatambol ang puso ko sa sobrang lakas ng kaba.

Madilim ang mga tingin niya sa amin. Lalo kay Mikael na ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko. Pinilit kong hilahin iyon pero hinigpitan nito ang kapit.

Huminto si Clark sa harap namin. Bumaba ang titig sa mga kamay namin ni Mikael. Umiling ito saka ako tiningnan.

"Nililigawan ka ba nito?" Tinuro pa ni Clark ang kaibigan ko. Hindi ako nakasagot.

"Oo, dre. At alam ko, anytime soon ay sasagutin na niya ako," sabat ni Mikael. Hindi naman natinag si Clark.

Nanatili kaming magkatitigan. Tila sinusukat kung sino ang mas malakas.

Hindi ko na matagalan. Napayuko ako. Rinig ko ang mga yabag ng iba naming kaklase na nakapalibot sa aming tatlo.

Lumapit si Maureen kay Clark at napunta ang tingin ko sa kaniya. Nagulat pa ako nang makitang galit na galit ang kaniyang ekspresyon.

"Let's go, babe!" Hila niya kay Clark pero hindi ito natinag. Nanatili lang itong nakatitig sa akin.

Hinarap ko si Mikael. "Mikael, t-tara na." Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mahigpit talaga ang kapit nito. "Mikael!?" untag ko sa kaniya.

"Bakit mo tinatanong kung nililigawan ko siya? Wala ka ng pakielam doon. Labas ka na dahil ikaw nga, e. May girlfriend ka na, 'di ba?" Nilingon pa nito si Maureen. "Ituon mo na lang sa kaniya ang atensyon mo at 'wag na kay Zairene. I can take care of her."

Tumango-tango si Clark saka napangisi.

Bakit siya natatawa? Gago ba siya?

Hinila ko Mikael palabas ng room. Ayaw pa nga nito pero nung sinamaan ko siya ng tingin ay nagpatianod na.

"Bakit mo sinabi 'yon?" tanong ko habang hinahabol ang sariling hininga.

"At bakit naman hindi? Dahil ba umaasa ka pa rin na magkakabalikan kayo?" Umiling ako. "Hindi kayo pwede dahil sooner or later, magiging pamilya kayo! He's soon to be your step brother." Giit nito.

Umiling ako lalo.

"Zairene, wake up!"

"Shut the fuck up, Mikael!" Nanginginig ang mga labi ko habang sinasabi iyon. "Wala kang alam kaya pwede ba!? Stop doing this! Hindi ka nakakatulong at hindi ko kailangan ng tulong mo!" sigaw ko sa kaniya saka siya iniwan. Wala akong pakielam sa mga kapwa ko estudyanteng tumatawag sa akin.

Nilabas ko ang aking cellphone saka mabilis na nag-text kay Tony.

To: Beks Tony
Beks, uuwi ako. Half day. Sumasakit ang tahi ko.

Sent.

Sunod kong tinawaga ang aming family driver at nagpasundo. Uuwi ako ng bahay. Gusto ko mapag-isa. Ayaw ko muna silang makita.

Lalo na si Clark.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now