🌸CHAPTER 13🌸

1.2K 45 4
                                    

Chapter 13 -- PHONE CALL

Aakyat na sana ako pabalik sa aking kwarto nang tawagin ako ni Daddy. Nasa sala sila kasama ang mga kaklase ko at tita Clara.

"Anak, halika muna't makipag-usap ka muna sa mga kaklase mo," aya niya sa akin. Napangiti lang ako saka umiling.

"Hindi na, dad. May gagawin pa po kasi ako sa taas."

"Nakapagsimula na ba kayo ni Clark sa article ninyo?" tanong ni Shasha sa akin. Nagkatinginan kami ni Clark na ngayon ay abala sa pakikipaglaro ng chess kay kuya.

"Hindi pa. Wala pa kaming napag-uusapan," sagot ko.

"O, may project ba kayo? Kayo ang magkagrupo?" Nakangiting tanong ni daddy. Tiningnan niya ko saka si Clark.

"Apat kaming magkakagrupo. Sina Maureen at Mikael ang dalawa pa naming kasama," sumimangot ako pagkasabi ko ng mga ngalan nila.

"O? Si Maureen na bestfriend mo?"

Tumingin sa dereksyon ko sina Kuya at Clark. Nang gumala ang mga mata ko ay nasa akin din ang paningin nilang lahat.

"She's not my bestfriend."

"Anak -"

"Dad, please... aakyat na muna po ako. Excuse me," humakbang na ako paakyat ngunit nang nasa ikaapat na baitang na ako ay tinawag ako ni ate. Hawak niya ang telepono at nakatapat iyon sa kaniyang tainga. Huminto ako ako at tinanong kung bakit.

"Tita Gracie is on the line. Kakausapin ka raw."

Nagmamadali akong bumaba at kinuha ang phone kay ate. "Hello, tita?"

"Hija, ngayon ko lang nabasa ang request mo. Alam mo naman kasing hindi ako masyadong nagbubukas ng email. Sana ay tumawag ka na lang."

Si tita Gracie ay kapatid ni mommy ko. Nasa States siya kung saan nagtatrabaho siya bilang isang engineer. Nung nakaraan taon kasi ay tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kurso sa kolehiyo. Kaya lang ay hindi pa ako noon sigurado na engineering ang gusto kong kuhanin. Bago magpasukan ay nagsend ako ng message sa email niya na iyon na ang gusto kong kuhanin.

"Ayos lang po, Tita."

"So, ano? Sure ka na? Kung gusto mo, dito mo na lang ipagpatuloy ang grade 9 mo. Lumipad ka rito sa California para dere-deretso na hanggang college."

Napatingin ako kay daddy na seryosong kausap sina tita Clara at ate Zaira. Ako naman ay pumwesto sa isang sofa malapit sa paanan ng hagdan.

"Ah, kasi po, tita... hindi ko pa nasasabi kay daddy ang desisyon ko. Pero gustong-gusto ko po talaga!" Pinasigla ko ang boses. Ayaw kong ma-disappoint ang tita ko.

"Sige. Nandyan ba ang daddy mo?"

"Opo," sagot ko. Napatingin ako kay Clark. May sinasabi si Kuya sa kaniya. Tumira siya tapos tumingin ulit sa akin.

"Kausapin ko nga, anak." Tumayo agad ako at lumapit kay Daddy.

"Kausapin ka raw, dad." Tinanggap naman iyon ni daddy saka sila nag-usap.

"Ano raw 'yon?" tanong ni Kuya Zoilo.

"Wala."

"Sus! Ayaw mo pang sabihin samin, huh? Naku!" Si ate na ngayon ay nasa tabi na ni Kuya. "Mag-engineer pala si bunso, kuya."

Bigla akong sinulyapan ni Clark. Nag-iwas ako ng tingin.

"Ingay mo, ate!"

"Ayos 'yan, bunso. Saan mo ba gustong pumasok?"

"Teka lang, Gracie. Mag-uusap muna kami ni Zairene. Pasasabihan kita kung ano magiging desisyon ko at ng mga kapatid niya. Sige. Mag-iingat ka rin," ani daddy. Lumapit siya sa akin at saka inabot ang telepono. "Kakausapin ka raw ulit ng tita mo. Mag-uusap tayo mamaya, anak."

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now