🌸CHAPTER 2🌸

2.4K 66 16
                                    

This chapter is dedicated to my sissy nightly001
Super love kita. Hihi.
Read her story Unwanted Sin 😊

***

CHAPTER 2 -- BULLY

Dumaan ang ilang oras, wala ako sa sarili habang nagkaklase.

"Mayroon nga pala tayong mga transferees. Actually, lima sila pero dahil galing pa sila sa malalayong lugar, isa lang ang nakarating." Napunta sa teacher naming si Sir Ferdinand ang aking paningin. Curious kasi ako sa lalaking transferee kanina. "Mr. Romualdez, can you please introduce yourself here in front? Para naman makilala ka ng mga bago mong kaklase." Nakangiti ang aming guro sa kaniya. Ayaw ko mang tumingin sa kaniya pero sadyang natukso ako.

Naglakad siya habang nakapamulsa. Noon ko napansin ang buhok niyang medyo mahaba. Kung sa iba siguro, mandidiri na ako dahil ayaw ko ng long hair sa mga lalaki pero siya, lalo yata akong nataranta.

Nasa harapan ko na siya at deretso ang mga mata sa aming lahat. Yumuko ako dahil may kung ano sa aking isipan at tila bumubulong na  titigan ko ang lalaking ito. 

"Good morning, I'm Clark Vincent Romualdez from Cavite," aniya dahilan upang mag-angat ako ng mga mata ko. Malamig ang boses nito at aaminin ko, halos tumayo ang balahibong pusa ko sa aking buong katawan.

"I saw your report card, Mr. Romualdez and your grades are very impressive. Scholar ka pala?" Nakangiting sabi ng teacher namin habang hawak ang form 138 nung Clark Vincent.

Nagkamot ng ulo lalaking nasa tapat ko, "Yes, sir," aniya. Nahihiya yata kasi bahagyang namula ang pisngi niya.

Napangiti ako ng wala sa loob.

He's so cute!

Naramdaman ko ang pagsiko ni Dashna sa aking braso, "Crush mo, 'no?" Nilingon ko siya saka inismiran.

"Shut up, Dash. Makinig ka na lang!" bulong ko. Pinandilatan ko pa ito ng mga mata dahil baka naririnig siya ni Clark.

"So, class... As I was saying, sana maging kaibigan ninyo si Clark. I mean, lahat ng mga transferees natin dahil dito sila maipapasok sa section ninyo," ani Sir Ferdinand.

Nagtaas ako ng kamay.

"Yes, Ms. Mendez?"

"Sir, hindi ba't may rules po tayo na ang nga transferees ay hindi pwedeng maipasok sa pilot section? How come po at nasa amin sila?" Hindi ko naman intensyon na mang-insulto. Curious lang talaga kasi ako kaya ako nagtanong. Kalmado lang ako habang nilalaro ang dulo ng buhok ko ngunit tumikhim ang lalaking nasa harapan ko.

"Excuse me, Sir Ferdinand and Miss...?"

"Mendez," wika ko.

"...Yeah! Ms. Mendez, actually, kahit ako ay nagtataka kung bakit ako nandito sa 'pilot section'. Nabasa ko rin kasi sa rules na nasa booklet ang tungkol dito. Kaya kung napansin ninyo, ang tagal kong nakatayo sa pinto kanina dahil sinisigurado ko kung tama ba ang class room na napuntahan ko. Kaso... tama naman. May problema ba?" Nagtaas siya ng kilay.

Naramdaman ko ang pagkuyom ko ng mga palad pati ang pagtaas ng kilay ko sa kaniya.

Antipatiko!

"Nothing. I'm just... curious," wika ko sabay halukipkip ng mga braso ko.

"I see."

Gusto ko kumalma pero nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko. Rinig ko din ang lakas ng pintig ng puso ko. Umiling na lang ako.

"May mga nabago kasi sa protocol ng ating eskwelahan, Ms. Mendez. Isa na ro'n ang tungkol sa usapin tungkol sa mga transferees natin. Next month pa ilalabas ang bagong booklet ng ating paaralan kung saan napalitan na ang mga rules and regulations." Paliwanag niya sa akin. Siniko na naman ako Dashna saka tumawa ng mahina. Ganoon din si Tony. Napa-face palm na lang ako dahil sa hiya.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now