🌸CHAPTER 20🌸

1.3K 40 2
                                    

Chapter 20 -- COVER PHOTOS

Ala-singko ng madaling araw palang ay gising na ang diwa ko. Sabado ngayon at ito ang araw ng napagkasunduan naming mag-shooting. Sinubukan kong pumikit pero walang silbi. Nagbilang ako ng mga tupa pero walang talab. Naikot ko na ang kama ko para humanap ng komportableng pwesto pero bigo pa rin ako.

Bumaba ako sa kusina dahil kumalam ang sikmura ko. Naabutan ko ang aming katulong na abala sa pagluluto ng almusal.

"Ang aga naman po ninyo yatang magising, ma'm." Nagulat pa ito nang batiin ko siya.

"Nagutom po kasi ako. May almusal na po ba?" tanong ko saka naupo sa bakanteng silya. Dala ko ang phone ko at surf sa facebook.

"May sinangag na po pero wala pang ulam."

"Di bale, cereal na lang ako." Tumayo ako nang mapansin kong kukuha siya ng bowl. "Ako na. Magluto ka na," utos ko.

Hinanda ko ang kakainin ko. Umupo ulit ako at nagsimulang kumain.

Sa facebook account ko ay maraming nagpapa-add as friend pero hindi ko mga pinagpapapansin. Sa notifications lang ako madalas naglalagi saka sa newsfeeds. Pero ngayon, nabuhay ang kuryosidad sa isipan ko.

'May facebook kaya si Clark?'

Agad kong nai-type sa search bar ang pangalan nito at lumabas nga ang account nito.

Nang puntahan ko ang profile niya ay nakita kong may 'confirm or delete' ng nakalagay.

Napangisi ako nang makita ko sa friend request ko na meron nga siya. Kinompirma ko siya at muling bumalik sa account niya.

Ang display photo nito kuha nito malamang sa mansyon nila sa Cavite dahil pamilyar ang background. Half face lang ang kita at medyo blurry pero alam kong siya iyon. Nang mapunta ang mga mata ko sa kaniyang coverphoto ay halos manlaki ang mga ito.

Nalaglag ang panga ko nang makita kong picture ko iyon.

Sigurado akong ako iyon kahit na medyo malayo ang kuha. Nakasuot ako ng pep squad uniform at masayang nakikipagtawanan sa mga kasama ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Pinindot ko ang mismong litrato upang basahin ang caption doon.

'I like the way you smile even if I'm not the reason's why'

Nanginig ang kamay ko. Nabitawan ko ang cellphone ko at tumama sa lamesa.

"Ma'm, ayos lang ba kayo?" tanong ng maid namin pero hindi ko siya pinansin.

Mabilis kong tinapos ang kinakain ko saka nagmamadaling umakyat sa taas. Dumapa ako sa kama saka nangingiting nag-scroll sa profile ni Clark.

Halos puro ako ang nasa coverphoto album niya. Iba-iba ang kuha ko sa mga iyon pero lahat ay may caption.

'You're my greatest down fall'

Picture ko naman na nakaupo ako sa harap, sa silya mismo ng teacher namin at doon nagsusulat. Ang mahaba kong buhok ay nakalaylay na halos sumasayad na sa notebook ko. Gusto ko manliit dahil ang haggard ng kuha ko roon.

Pinindot ko ang next icon.

Lalong nanginig ang mga kamay ko nang mabasa ang sumunod na caption.

'I will always love you, Zairene Fiona Mendez-Romualdez'

Picture ko naman iyon habang kumakain ako sa pantry kasama ang mga kaibigan ko. Malabo ang mga mukha nila Dashna at Tony at nasa akin lang ang focus ng camera.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mapagtanto kung gaano siya ka-bokal pagdating sa nararamdaman niya.

Facebook ito. Malamang may mga schoolmates kaming friend niya rito. At for sure, nakikita nila ang mga ito.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now