🌸CHAPTER 10🌸

1.4K 52 5
                                    

This is for ColdHeartedMe_14
Read and support her story "She Cameback"

***

Chapter 10 -- ROOFTAP

Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang mangyari ang pagsampal ko kay Clark. Aaminin ko, nagi-guilty ako sa nagawa ko. Kaso naiirita rin ako kaagad sa tuwing pumapasok sa isip kong masama akong babae para sa kaniya.

What the hell!?

Kahit madalas kami magkita sa room o kahit sa gym ay tila hangin lang siya para sa akin. Mukhang ganoon din naman siya sa akin kaya hindi ako nahirapan sa pag-iwas sa kaniya.

Hindi ko magawang tingnan kahit anino manlang niya.

Kumukulo agad ang dugo ko.

"Guys, may gagawin kayong report sa subject ko. Actually, article ang gagawin ninyo. Hindi lang basta-basta article dahil kailangan ninyong mag-research. Meaning, hindi lang computer at mga daliri ang gagamitin ninyo. Para naman may pakinabang ang mga bibig ninyo at mga paa, maghahanap kayo ng mga taong maaari ninyong ma-interview."

Nagsinghapan ang mga kaklase ko pati na rin ako.

"Grabe talaga 'tong si Mrs. Garcia. Ang harsh!" bulong ni Tony. Siniko ko lang siya. Naglabas ako ng notebook at ballpen para mag-take down notes tungkol sa activity na ito.

"Narinig ko mula sa inyong adviser na pairing na raw kayo?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Sh1t!" bulong ko.

Lihim kong dinalangin na sana ay magbago ang pairing para hindi kami magkapartner ni Clark.

"So, yung pairings number 1 & 2, kayong apat ang team A." Sinabi na nga ni Mrs. Garcia ang bawat magkaka-team. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag.

Atleast, apat kami sa team. Hindi lang kami ni Clark.

Ang nakasama ko sa team H ay sina Mauree  at Mikael. Letse!

Ang malas ko pong tunay! Sa dinami-rami ng pwede kong maka-team, ang mga ito pa.

Halos may mga kasalanan ang mga ito sa akin. Ay hindi pala 'halos'. As in lahat sila may mga atraso talaga sakin.

Nakasimangot ako habang pumupunta sa kanilang tatlo. Nakatingin sakin sina Mikael at Maureen na animo masayang-masaya. Si Clark naman ay nagbabasa sa hawak niyang notebook.

"Z-zai, mabuti naman at magka-team na tayo!" Masayang wika ni Maureen. Inirapan ko lang siya.

"Mukhang badtrip ka, a!" Nakangiting sabi ni Mikael habang tinitingnan kami ni Maureen.

"I'm not," malamig na wika ko.

Tumayo ako at itinuon ang buong pansin kay Mrs. Garcia na nagpapaliwanag ulit.

"Since mapepera naman kayong lahat, hindi ako tatanggap ng pipitsuging article na tipong tinipid at minadali. Pakiusap! Please! Lagyan ng effort ang mga gagawin ninyo. Kailangan ko nga rin pala ng mga video kung saan ipinakikita na nakikipag-cooperate kayong lahat."

"Sino po ang kukuha sa amin kung gumagawa kami ng article?" tanong ni Carmela.

Tumingin sa kaniya si Mrs. Garcia saka ngumiti. "Bakit? Gaano kayo kasigurado na sabay-sabay kayong makakagawa? Paganahin ang mga utak. Mag-isip ng paraan."

"Excuse me, Ma'am. Parang behind-the-scene po ang mangyayari sa video namin habang ginagawa ang article?" si Dashna naman ang nagtanong.

"Oo. Natumbok mo!"

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now