🌸CHAPTER 37🌸

1.2K 33 1
                                    

Chapter 37

ILANG araw din kaming nanatili sa mansyon nila Clark. Namasyal din kami sa mga lugar na madalas daw nitong puntahan noon. Isa na roon ang Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite. Nakakatuwang isipin na nakapunta ako sa isang makasaysayang lugar.

Hangang-hanga ako sa lugar. Napanatili nila ang kaayusan ng mga gamit sa loob at ang mismong bahay.

"Nagugutom ka na ba?" tanong nito. Nasa isang bench ako nakaupo sa ilalim ng punong mangga sa park. Umiling ako.

Nakatayo ito sa aking harapan. May kaonting distansya pero hindi naman malayo. Nakapamulsa ang mga kamay nito habang nakatitig sakin. Naka-fitted shirt ito at short na hanggang tuhod. Lalong bumabakat ang mga muscles at biceps dahil sa kaniyang suot.

"Clark, gusto ko mamasyal sa Island Cove."

"Ngayon?"

"Pwede bang mamayang gabi? Night swimming tayo," aya ko sa kaniya.

Naupo ito sa tabi ko saka humilig sa balikat ko. Kahit na madalas niyang gawin ito ay nagugulat pa rin ako.

"Sige, honey. Teka! Ano sosootin mo?" Lumayo ito sakin.

"Magga-gown ako, joke! Malamang bathing suit. Resort ang pupuntahan natin."

Sumimangot ito saka ngumuso. "Ayoko,"

"Anong ayaw mo?" Takang tanong ko.

"Ayokong mag-bathing suit ka. Rashguard na lang. Tapos ang usapan."

Hindi na lang ako nakipagtalo sa lalaking mahal ko. Napaka-conservative niya. Super. Pero naiintindihan ko naman siya dahil alam kong ayaw lang nitong mabastos ako.

KINAGABIHAN ay nagluto ako ng pork adobo, fried chicken at kanina. Dalawa lang naman kami kaya ayos na ito para samin. Nagdala rin kami ng ilang mga chitchirya at softdrinks para kay Clark. Juice naman ang para sakin.

Lalong gumanda ang resort pero tulad pa rin ng dati ay malinis pa rin ang paligid nito at nakakarelax.

"Remember this place?" tanong niya.

Tumango ako.

Paano ko ba makakalimutan ang lugar na ito? Dito niya ako unang hinalikan at dito kami nahuli ng aming pamilya.

Akala ko noon, talaga magiging hadlang sila sa pagmamahalan namin. Aminado ako na sobra akong natakot noon. Na baka saktan siya pisikal ng daddy at kuya ko pero alam kong hindi naman papayag si Mommy Clara that time. Mga bata pa kami noon at talagang wala pang maipagmamalaki.

Naramdaman ko ang kaniyang kamay na pumulupot sa aking bewang. Niyakap niya ko mula sa likod saka pinatong ang baba nito  sa aking balikat.

"Lahat ay nalampasan natin. Lahat ay nakayanan natin," aniya. Hinalikan niya ako sa aking pisngi dahilan kaya napangiti ako. "Dahil alam kong sa huli, tayo pa rin. I love you, honey," bulong niya sakin.

"Kahit na marami kang naging ka-flings?"

Sumimangot ito. "Tss! Wala lang ang mga 'yon. Ikaw ang nasa isip ko habang sila ang kasama ko."

"Proud ka pa!" singhal ko.

"Biro lang. Basta ikaw lang ang minahal ko. Ikaw lang at wala nang iba pa."

Unti-unti niya akong iniharap sa kaniya. Mataman niya akong tinitigan. Bawat parte ng aking mga mukha ay kaniyang tiningnan.

Dahan-dahan niyang inilapat ang kaniyang labi sa akin.

Saglit lang iyon pero libo-libong kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Ang mga alaga ko sa aking tiyan ay tila gusto makawala.  Ang tibok ng aking puso ay lalong bumilis.

Ngumiti siya sakin bago ako niyakap.

"Honey, pangako ko sa'yo, hindi ako gagawa ng bagay na ikagagalit mo. Mga bagay na ikasasakit ng puso mo. Lahat ay kaya kong kalabanin basta alam kong ikaw ang kapalit."

Gusto ko maluha sa kaniyang mga sinasabi. Ang mga tibok ng mga puso namin ay salitan.

"Masyado kang ma-drama," sabi ko. Napatingin ako sa langit na ngayon ay napakadilim. Nagkalat ang mga bituin doon na siyang mga nagkikislapan.

Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang lumuhod ito sa aking harapan.

Napatakip ako sa aking bibig dahil may nabubuong ideya sa aking isipan.

"C-clark, what are you doing? T-tumayo ka nga dyan!" Natatawa kong hinawakan ang mga braso niya pero malapad ang ngiti nito umiling.

May tatlong tao ang lumabas galing sa kung saan. Hawak-hawak nila ang mga violin. Puwesto ang mga ito sa aming gilid saka marahang tumugtog.

"Can You imagine?
What would happen?
If we could have any dream
I'd wish this moment
Was ours to own it
And that it would never leave."

Natawa ako nang biglang kumanta si Clark habang nakaluhod sa aking harapan. Piniga nito ang aking kamay bago muling kumanta.

"Then i would thank that star
That made our wish come true..."

Hinila ko siya patayo dahil dumadarami na ang mga taong nakikiusyosyo sa eksena namin ni Clark.

"Tumayo ka na," bulong ko.

"Cause he knows that
Where you are is where
I should be too..."

Naitakip ko ang aking kanang kamay sa aking mukha dahil ginagapangan na ako ng hiya lalo na nung marinig ko ang mga kantyawan sa paligid ko.

Tumayo si Clark. Ang kamay nitong nakahawak sa kaliwang kamay ko ay kaniyang itinaas at ipinatong sa balikat.

"Right here, Right now
I'm looking at you and
My Heart love the view
Cause you mean everything..."

"Ano ba 'tong gimik mo?" tanong ko. Hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi.

Niyakap niya ko ng mahigpit. Nagpatulogmy ang tatlong musikero habang kami ni Clark ay nagsasayaw.

"I love you,"

Sasagot na sana ako pero napunta ang atensyon ko sa kamay kong hawak nito. May dumulas kasi sa daliri ko na malamig na bagay.

Napahinto ako sa aking pagsayaw. Maski siya ay ganon din.

Nanlalaki ang mga mata ko habang tinititigan ang white gold ring na may diamond sa gitna.

"I will not ask you to marry me...because wether you like it or not, you will be my Mrs. Clark Romualdez," aniya kasabay ang mabilis na pagpatak ng aking mga luha.

"WOW! So, you and Clark are now engaged? Kailan naman ang kasal?" Masayang tanong ni ate Zaira habang tinitingnan ang singsing sa aking kamay.

Tumango ako. Sa kwarto nito ako dumeretso pagkagaling namin ni Clark sa Cavite. Kaagad kong binalita sa aking kapatid ang kasiyahan na aking nararamdaman.

"Congrats, dear sissy! I'm so happy for you. Tawagan natin mamaya si daddy at mommy Clara para maibalita sa kanila. Oh, my God! Magiging masaya 'to!"

Excited na excited si ate. Siya ang nag-iisip kung ano ang motiff at saang simbahan. Sa ngayon ay wala pa sa isip ko ang mga iyon. Hindi pa naman kami nagmamadali ni Clark.

To be continued.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now