🌸CHAPTER 19🌸

1.2K 39 1
                                    

Chapter 19 -- TOPIC

"Congratulations sa inyong lahat. Magagaling kayo at tunay na may angking talento sa paglalaro ng basketball," masayang sabi ni couch sa mga players. Nakaupo kami ng mga kaibigan ko sa bleachers at nakikinig sa mga sinasabi sa harapan.

"Yon!"

"Alright!"

Iba't ibang reaksyon ang makikita at maririnig sa mga manlalaro.

Pero tangin si Clark lang ang tahimik at tipid ang ngiti.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Mikael nang mapansin niyang balisa ko. Magkatabi rin kami ng silya.

"O-oo, medyo inaantok lang kasi galing pa kaming Cavite kaninang madaling araw. Wala pa kong tulog halos."

"Talaga? Anong ginawa ninyo roon?"

"Tagaroon kasi ang girlfriend ng daddy ko," sagot ko. Humarap ako sa gawi ni Dashna. Ayaw ko munang pagkakausapin ang lalaking ito.

Pero muli itong nagsalita.

"Tungkol nga pala sa article report natin, Zai."

Oo nga pala.

Hinarap ko siyang muli.

"Si Clark ang kumuha ng magiging topic nating apat nila Maureen. Much better kung siya ang tanungin mo."

Tumango ito saka itinuon ang paningin sa kapatid sa harapan.

Nang matapos si Couch Zandro sa pagbibigay ng mga bagong uniforms, schedules of practices at rules and regulations bilang player ay pinalabas na rin kami nito ng gym.

"Ano ba namang mga tao 'to! Mga hindi naman kailangan dito pero nakiusyosyo pa!" talak ni Tony.

"Wow! Parang kayo may silbi rito, a!" sagot naman ng isang babae sa kung saan.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan bago nagpalinga-linga upang tingnan kung sino ang nagsabi noon.

"Ansabe mo? Sino nagsabi no'n?" si Dashna ang nagsalita.

"Mga palalang 'to! Atleast kami, may kaibigan kaming kailangan dito. E, kayo? Mga panget!" sigaw ni Tony.

Nagtatawanan kami ni Shasha dahil sa kaingayan nila Tony at Dashna.

Sa huli ay napagdesisyunan naming magpatihuli na lang at huwag ng sumabay pa sa paguunahang makalabas.

"Zairene!"

Nilingon ko si Mikael na humahabol sa amin. Tumigil ako sa pagtawa at seryoso itong tiningnan. "Bakit?"

"Hinihintay mo ba sina Clark at Maureen?"

"Huh? At bakit ko naman gagawin 'yon?" Tinaasan ko ito ng kilay pero sa totoo lang, gusto ko ng tanungin ito kung bakit o kung nakita ba nito ang mga ahas na iyon.

"K-kasi... di ba, yung article report natin? Alam na nila? Kaya dapat hintayin natin sila para naman malaman din natin. Kagrupo natin sila, e."

Natigilan ako.

Oo nga pala.

"Okay," sabi ko na lang.

Ilang minuto pa ang lumipas saka pa lang dumating ang dalawang ahas. Mga nagtatawanan ang mga ito at itong Maureen na ito, pahampas-hampas pa ng braso kay Clark.

Sakalin ko kaya 'to?

Tumikhim ako dahilan kung bakit natahimik silang dalawa. Huminto sila sa harap namin.

Kung kanina ay nakangiti ang mga ito, ngayon ay napakaseryoso na. Lalo si Clark. Sinulyapan pa niya si Mikael bago bumalik ang tingin sa akin sabay taas ng kilay.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now