🌸CHAPTER 36🌸

1.2K 34 2
                                    

Chapter 36 -- DESPERATE

NANG makarating kami sa Cavite ay nagsimulang kumabog ng malakas ang puso ko. Wala naman akong balak na awayin si Cynthia. Tatanungin ko lang siya kung bakit sinabi nitong boyfriend niya si Clark. Hindi ba sinabi ng huli sa babaeng iyon na nakabalik na ko?

"Eto na 'yung bahay nila," ani Clark. Huminto kami sa isang bunggalo house na kulay asul ang pintura. May bakod iyon pero kasing taas lang ni Clark.

Naunang bumaba si Clark bat umikot. Siya ang nagbukas ng pinto at inalalayan akong makababa.

"Bahay niya?"

"Oo. Kasama niya dyan ang nanay niya na dati naming cook at syempre, si Candy." May kinuha siya sa back seat. Dalawang paper bag hawak niya sa isang kamay habang ang isang kamay nito ay humawak sa aking braso. "Let's go. Ipapakilala kita kay Candy," aniya.

Nag-door bell si Clark. Mayamaya lang ay may batang babae na lumabas mula sa pinto.

Nakabestida itong kulay dilaw na bulaklakan ang print.

"Daddy ninong!" sigaw nito habang hirap na hirap sa pagbubukas ng pinto.

"Candy!" Nag-angat ako ng tingin. Papalapit samin si Cynthia. Kakatwang magkatulad ng damit na soot ang mag-ina.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Ito naman ay tila takot na magtagpo ang aming mga landas.

"Akala ko mag-isa ka lang, C-clark?" tanong nito nang sa wakas ay bumukas ang gate.

"Sinama ko na si Zairene. Ipapakilala ko siya kay Candy." Nakangiting turan ni Clark.

"Para sakin po ba ang mga 'yan?" tanong nung bata.

"Oo." Inabot ni Clark ang mga paper bags. Sinilip ng bata ang laman saka lalong lumaki ang pagkakangiti.

"Wow! Cooking set saka doctor set! Thank you, daddy ninong!"

Biglang yumakap ang bata at sa gulat ni Clark ay nabitawan nito ang kamay ko. Nang lingunin ko si Cynthia ay may ngisi sa kaniyang mukha. Tila gustong-gusto ang ginawa ng anak.

"You're welcome, Candy. Siya nga pala, eto si Tita Zairene mo." Pagpapakilala niya sakin sa bata.

Ngingiti na sana ako sa bata nang magsalita ako.

"Ikaw po 'yung kapatid ni daddy ninong? Hello po!"

Pakiramdam ko ay nanliit ako bigla. Bakit ganoon ang pagkakilala sakin nung bata? Iyon ang naikwento nilang dalawa?

Tumaas ang kilay ko bago ngumiti.

"Hindi niya ko kapatid... ako ang tunay na girlfriend niya. Nice to finally meet you, Candice."

"Candy po, hindi Candice." Pagtatama ng bata.

"Whatever," bulong ko.

Lumapit lalo si Cynthia sa anak at hinawakan sa balikat. "Anak, maglaro ka na muna sa playroom mo. Isama mo ang daddy ninong mo,"

"Tara na po! Laruin natin 'tong pasalubong mong laruan!" Hinila ng bata ang mga kamay ni Clark.

Napatingin ito sakin. Tila nagpapaalam. Ngumiti ako saka tumango.

Nag-aalangan man ang mukha ni Clark ay nagpatianod na ito sa bata. Naiwan kami ni Cynthia sa labas. Nakatingin lang ko sa pintong pinasukan nila.

"Bakit bumalik ka pa? Masaya na kami ni Clark!"

Dahan-dahan ko itong nilingon saka ngimiti pero may bahid na pang-iinis.

"Masaya? Paanong masaya ba ang sinasabi mo?"

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon