🌸CHAPTER 40🌸

1.1K 30 3
                                    

Chapter 40

MABILIS ang mga araw na nagdaan. Wala kaming naging imikan ni Clark. Madalas ko siyang mahuli na nakatingin sakin pero dinededma ko.

Ganoon pa rin ang shift nito at mas mainam na siguro iyon. Ayoko pa siyang makausap.

"Sissy, okay na ba ang invitations for your wedding? Pauwi na sila daddy at mommy Clara sa isang araw. Ipapakita ko sana sa kanila ang kopya non," ani ate Zaira habang nakadulog kami sa lamesa.

"Hindi pa." Walang gana kong sagot.

Kumpleto kami.

Si Kuya Zoilo, ate Zaira, ako at si Clark.

Kapansin-pansin ang walang pansinan naming dalawa at siguradong nahahalata na rin kami ng mga kapatid namin.

"Bro, dumating nga pala rito 'yung manager ni daddy kanina. Ikaw ang hinahanap." Napalingon ako kay Clark na may bahid ng pagtataka ng mukha.

"Bakit daw?"

"I don't know," sagot ni kuya. "Iniwan niya ang calling card niya. Here." May nilabas si kuya mula sa bulsa nito at iniabot kag Clark. "Mukang gusto kang kunin na artista." Nakangiting sabi nito.

"Hmm... bakit ako? Ba't di ikaw?" Natatawang tanong ni Clark.

"Police na ko at wala akong balak sundan ang yapak ni daddy. Masyadong ma-eexpose ang kagwapuhan ko."

Natawa kami sa sinabi ni kuya pero agad din napawi ang akin. Napansin ko kasing umiilaw ang cellphone nito.

"Clark," tawag ko. Nakangiti siyang tumingin sakin.

"Hmm?"

"May tumatawag yata sa'yo," sabi ko. Sinulyapan nito ang phone bago tumingin sakin.

"Excuse me," aniya. Kinuha nito ang gadget saka lumabas sa dining room.

Masama ang tingin na ipinukol ko sa pintong dinaanan nito.

Malamang ay si Cynthia na naman ang tumawag.

Nawalan na ako nang gana kumain hanggang sa makabalik siya.

"Tapos na kayo?" tanong nito.

"Oo. Ang tagal mo, e. Sino ba yung tumawag sa'yo?" Nilingon ko si ate nang magtanong siya kay Clark.

"A, iyon ba? Wala yon. Pasyente ko."

"Kailan ka pa naging doktor?" tanong ko nang wala sa sarili.

"H-huh?"

"Wala. Tapos na ko. Excuse me." Tumayo na ako at iniwanan silang lahat.

Bakit parang may pader ng namamagitan sa aming dalawa. Bakit lumalayo na ata ito sakin.

"Zai," tawag nito sa akin bago ako makapasok sa kwarto ko. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Hinarap ko ito. Hindi ko maiwasang huwag mapahanga sa lalaking nakasoot ng kulay puting unipormeng pang nurse

"Kung tungkol lang 'yan kay Cynthia, Clark, ayokong pag-usapan. Pagod ako. May pasok ka pa sa trabaho. Ingat ka," wika ko. Tatalikod sana ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay.

May kung anong kuryente na naman ang dumaloy doon kaya nahila ko iyon. Nagulat siya sa ginawa ko pero nakabawi rin.

"Hindi ko alam kung ano man ang sinabi ni Cynthia sa'yo pero sana... sana magtiwala ka naman sakin."

Hindi ako kumibo. Nanatili sa kaniyang mga mata ang tingin ko.

"May sakit si Candy. Na-diagnose na may Lopus ito at malala na," aniya.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now