🌸CHAPTER 44🌸

1.2K 30 2
                                    

Chapter 44

TATLONG katok ang nagpatinag sa akin saka nagmamadaling nagbukas ng pinto. Alas-otso na nang umaga pero hindi pa rin ako bumababa.

"Ate, bakit?"

"Tumawag si Clark kay mommy. Dinala daw sa ospital si Candy. Nagsuka raw nang nagsuka."

Natigilan ako.

"Saan ka pupunta? Ba't ka nag-iimpake?" tanong nito. Nasa kama ang kaniyang mga mata.

Nakakalat doon ang aking mga gamit. Sa gilid naman ng aking higaan nakapwesto ang dalawa kong maleta.

"Uuwi ako ng Cali," sagot ko. Niluwagan ang pinto upang makapasok siya nang tuluyan.

"Ba't ka pa babalik do'n?"

"Doon ako talaga nakatira, ate. May trabaho akong iniwan doon," walang gana kong sagot.

"At anong tawag mo rito sa bahay na 'to? Rest house? At kami? Pamilya mo kami, Zairene. Ang iniwan mo ro'n ay trabaho lang."

"Come on, ate. Hindi ko na kaya pa na mag-stay pa rito. Masyadong maliit ang mundo namin ni Clark."

Tumawa ito pero halatang peke.

"At sa tingin mo hindi ka niya masusundan do'n? Zairene, nagawa ka niyang sundan doon at tumira para lang hindi ka mawala sa kaniya," ani ate.

"Hindi niya ko pag-aari." Malamig kong turan.

Tinalikuran ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Ito naman ay naupo sa edge ng kama ko at tinitigan ako.

"Malala na ang lagay ni Candy," aniya.

Nagpanggap akong hindi interesado kahit na sa loob ng aking sarili ay nagdarasal akong walang masamang mangyari sa kaniya.

"Zai, nakikinig ka ba?" tanong na naman niya.

"Bakit ba sinasabi mo pa sakin 'yan, ate? Alam mo bang nasasaktan ako kapag naririnig ko ang pangalan nilang tatlo." Namuo agad ang luha ko pero mabilis kong tinakpan ang mga mata ko.

"S-sorry, sissy. Baka lang kasi maisip mo na... na kapag nawala 'yung bata... --"

"What? Sa'n mo nakuha ang ideya na 'yan, ate? Hindi ako gano'n kasama para ipanalangin 'yan!"

"Yeah. I know pero pwedeng magkatotoo 'yung naisip ko, Zai. Look, ang sakit ng batang 'yon ay walang lunas. Walang gamot. So paano siya makakaligtas, 'di ba?"

"Ate, kahit gaano kasama ang ina niya, alam kong hindi siya pababayaan ng Diyos."

"Ba't ba napakabait mo?"

"Ano?"

"Alam mo, masyado kang mabait. Masyado kang mapagbigay. Mapagparaya! Bakit hindi mo subukan na maging maramot. Bakita mas inuuna mo pa ang nararamdaman ng iba kaysa sa nararamdaman mo?" Seryoso ngunit halatang inis na si ate. Nakatayo na siya sa harap ko.

Nag-iwas ako nang tingin nung salubungin nito ang mga mata ko.

"Ano? Bakit di ka makasagot?"

"Dahil kaya kong umintindi, ate. Kaya kong magparaya dahil kahit mismong si Clark, sa mag-ina na 'yon gusto! Gusto ko maging maramot. Gustong-gusto ko pero pa'no na mangyayari? Ako at ako rin ang masasaktan. Kami nga ni Clark pero wala naman sakin ang atensyon at oras niya. Hindi ako ang priority niya kungdi yung mag-ina na'yon!"

Tumulo na ang mga luha ko.

Nanginginig ang mga kamay kong pinagpatuloy ang pag-iimpake.

"Buo na ang desisyon ko. Aalis ako dahil kapag nandito ako... nahihirapan at nasasaktan ako dahil sa pagpaparaya ko. Sana... sana maintindihan ninyo ko. Ayoko rin naman kayong iwanan dito kaso... yung makitang masaya siya sa piling nang iba ay unti-unting pumapatay sakin..."

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now