🌸CHAPTER 8🌸

1.5K 46 12
                                    

This chapter is for my sissy CrazyMeInLove
Read her stories dahil super magaganda po 😊

***

Chapter 8 -- PAYAG NA

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Hindi ko rin maalalang nakipag-usap pa ako kahit kina daddy at sa mga kapatid ko. Magdamag akong hindi pinatulog ng Clark na iyon.

Bakit kasi ganoon ang nangyayari sa akin? Sanay naman akong makakita ng mga kaklase sa bahay na makakasabay sa hapunan. Okay rin ako kina Shasha pero bakit sa kaniya, nagugulo ang isip ko.

"Huy! Lutang lang, 'te?" untag ni Tony sa akin.

Inirapan ko lang siya saka muling tiningnan ang mga naglalaro ng volleyball dito sa gym. "Ako na naman ang nakita mo," wika ko.

"At bakit naman hindi? May iba pa ba akong kasama dito? Malamang ikaw ang papansinin ko dahil ikaw ang katabi ko."

"Lumayo kaya ako sa'yo. Lumipat kaya ako ng bleacher?"

"Go, push!" Tinulak pa niya ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nag-peace sign lang siya saka nagpaypay gamit ang malilintik na kamay.

"Ang init naman dito. Ang hina yata ng aircon!" sigaw niya.

Natawa na lang ako sa kaniya. Natahimik ako nang maalala na naman si Clark.

"Ayan na naman! Tulala ka na naman. Ano bang iniisip mo?"

"Hindi ko maintindihan."

"Ang alin?"

Hinarap ko sya saka tiningnan ng seryoso. "Mapagkakatiwalaan ba kita?"

"Ay grabe ka, bakla! All these years na pinagsamahan natin, wala ka pa palang tiwala sakin? Saksakin mo na lang kaya ako!?"

"Ang drama nito. Of course I trusted you kaso... iba kasi 'yung iniisip ko."

"Bakit, ano ba 'yon?"

Huminga ako ng malalim bago nagkwento sa kaniya. Lahat ng nararamdaman kong kakaiba patungkol kay Clark ay sinabi ko pati ang nangyari sa dinner.

"What do you think?" tanong ko pagkatapos kong magkwento. Hinawakan niya ang sariling baba saka pumikit. "Huy!"

"Well... I think you like him."

"What? Anong sinasabi mo dyan?" 

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang marinig ko sa kaniya ang mga salitang iyon.

"No. You don't like him...you... like him!" Halos pabulong ang pagkakabigkas niya sa dalawang huling mga salita.

Umiling ako agad. "No. Hindi pwede 'yan!"

"Bakit naman?"

"Hello? Girlfriend ng daddy ko ang mommy niya. Kung titingnan, halos mag-step siblings kami. Duh!?" Umikot pa ang mga mata ko pagkasabi ko noon.

"Wow! Incest ba kamo? Lul. Hindi kayo magkadugo kaya 'wag mo kong anuhin baka anuhin kita dyan!"

Tumaas ang kilay ko. "Anong anuhin?"

"Ihulog! Itutulak kita para mahulog ka!" Hinawakan pa niya ko sa braso ko kaya napatili ako.

"Letse ka! Muntik na kong mahulog." Ngumuso pa ko saka sinapak ang braso niya.

Natatawa naman ito habang nagpapaypay. "Overacting ka lang kamo!" saka tumawa na naman.

Natahimik ako pagkaraan.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now