🌸EPILOGUE🌸

2.4K 53 4
                                    

FInally, nasa dulo na tayo!
Thank you sa mga walang sawa na sumubaybay sa kwento nila Zairene at Clark.
Love you all ❤❤❤

***

Epilogue

MALAKAS ang simoy ng hangin habang nakatingala ako sa malawak na kalangitan. Mabuti at hindi naman maaraw. Ayos lang ang init ang tumatama sa balat. Hindi masakit at sakto lang.

Tinatangay din ng hangin ang aking suot na summer dress pati ang sumbrero kong may malaking bulaklak.

Ngumiti ako sa gitna nang aking pag-iisip.

Hindi ko mapaniwalaan ang lahat ng nangyari sa amin ni Clark.

Kung paanong bigla siyang sumulpot sa pinto ng classroom namin. Kung paano niya nagagawang hipnotismohin ang aking sarili.

Ang mga panahon na palagi akong napapatitig sa kaniya.

Ang ngisi niya.

Umiling ako.

Nahulog ako sa kaniya sa ganon-ganon lang niya.

"Ba't ka umiiling?" tanong ni Clark sa akin kasabay nang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking bewang.

Naka-summer short ito at sandong kulay puti.

"Naalala ko lang kung paano tayo nagsimula noon," sabi ko.

Tumayo ang mga mumunti kong balahibo sa aking katawan nang maramdaman ang mainit ang at mabango niyang hininga sa aking bayok.

"A, I knew it. Those precious times, honey," bulong niya na naman. Bahagya akong lumayo at tumawa. Mahigpit ang hawak niya sa bewang ko kaya tiningnan ko na lamang siya sa kaniyang mga mata. "I love you," aniya pa.

Ayan na naman ang mga paru-paro sa aking tiyan. Nagwawala at gustong kumawala. Ngumiti ako nang malapad.

"Mas mahal kita,"

"No. I love you the most. Period." Isang mabilis na halik ang kaniyang ginawa sa aking labi. Gulat at hindi ko man iyon inaasahan ay napangiti na lang lalo ako.

"Next week ay kasal na natin." Wala sa sarili kong sabi. Nasa likod ko siya habang nakayakap sakin.  Unti-unting gumapang ang mga braso nito ay pumatong sa mismo kong mga braso. Pinatong niya ang baba niya sa aking bikat.

"Oo at excited na ko. Hindi na ko makapaghintay na maging asawa na kita,"

Nilingon ko siya at may ngising-aso ang nasa mukha nito.

Kinurot ko siya.

"Aray! Bakit ba?" Tumatawa niyang sabi.

"Ba't ka excited? Sira ang ulo mo 'no?"

Lalong lumakas ang tawa nito dahilan upang bumitaw ako sa kaniya saka hinampas ang braso  nito.

"Honey! Aray!" aniya sabay haplos sa hinampas ko. "Syempre naman dahil magiging asawa na kita. Wala nang makapaghihiwalay pa satin."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Talaga ba?"

Humalakhak ito dahilan upang lapitan ko siya at muling paluin.

Sa isang isang, nahawakan niya ang mga kamay ko. Mas malapit na kami sa isa't isa ngayon. Magkadikit ang aming mga dibdib at damang-dama ko ang lakas ng tibok ng puso niya.

"Mahal na mahal kita," aniya.

Ang inis ko kanina ay nalusaw dahil lamang sa apat na salitang binitawan niya.

Namuo agad ang luha sa aking mga mata. Masayang-masaya ako dahil ang isang Clark Vincent Romualdez ay ako ang mahal.

Isang tao na naghintay sakin nung mga panahon na lumayo ako. Mali. Sinundan nga pala niya ko pero nagtiis na hindi ako lapitan para hindi ako muling maguluhan.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon