🌸CHAPTER 16🌸

1.3K 44 7
                                    

Chapter 16 -- SINUNGALING

Alas-kuwatro ng hapon nang magpasya sila daddy at tita Clara na mag-night swimming sa tinatawag nilang Island Cove. First time namin dito sa Cavite kaya excited kami nila ate at kuya.

"May swimsuit ka na bang susuotin?" tanong ni Shasha sa akin. Nasa kuwarto nila ni Melody kami ni ate. Dalawang malalaking kama ang nandito na queen size ang laki.

"Wala," sabi ko habang tinitingnan ang laman ng bagpack ko.

"Meron ako rito," ani Melody at lumapit sa malaking aparador. Sandali siyang nag-angat ng mga ilang damit bago nakahanap ng tela na kulay itim. One piece ang style ng swimsuit na hawak nito. "Kasya 'to sa'yo, Zai!" Excited na wika nito.

Narinig kong natawa si ate at Shasha. Umiling lang ako.

"O, bakit? Ayaw mo?" Nakangusong tanong ni Melody.

"Hindi naman sa ayaw pero sobrang revealing nyan, Mel. Baka pagalitan ako ng daddy at kuya ko." Bahagya pa akong napangiwi nang maisip kung ano ang pwedeng sabihin nila sa akin.

Paniguradong manunukso lang sila.

"Hindi ka pa ba nakakapagsuot ng ganito? Kayo magkapatid?" Sabay kami umiling ni ate. "Ano? E, anong susuotin ninyo?"

"Sando and shorts are enough." Naglabas si ate ng sariling damit.

"Or rushguard kaya?" tanong ko.

Bumunghalit ng tawa sina Shasha at Melody. Nagtinginan kami ni ate saka nagkibit-balikat. Naupo ako sa kama saka pumangalumbaba.

"S-sorry, girls. K-kasi naman, hindi allow sa resort na pupuntahan natin mamaya ang mga sinasabi ninyo. You have no choice  but to wear these things." Nilapag niya sa harapan namin ni ate ang dalawa na palang swimsuit. Kulay asul ang isa.

"What? No way. Hindi na lang ako maliligo."

"Gosh! Ate Zaira naman. Hwag ka naman ganiyan. Sexy ka naman, a! Mukhang babagay sa inyo ni Zairene ang mga 'to."

Hindi ako kumibo. Hinawakan ko ang swimsuit. Halos kapirasong tela na lang ito.

Hindi natigil sina Melody at Shasha sa pagkumbinsi sa amin ni ate na suotin mamaya sa resort ang mga damit pampaligo na iyon. Nanatiling malaking hindi ang sagot naming pareho.

Bumaba kami sa sala ng malaking mansyon at naabutan namin ang iba na kumakain ng meryenda sa hardin.

"Oh, narito na pala ang mga binibini natin, e." Nakangising wika ni Tristan. Inirapan ko sila. Dumeretso ako sa gawi ni Kuya Zoilo. Nakaupo ito sa swing na kulay itim ang pintura ng bakal.

"Patabi, kuya," wika ko.

"Sure," aniya saka umusad.

Bahagya niyang iniugoy ang swing. "Kuya, hwag malakas. Alam mong malululain ako." Natawa lang siya pero mas nilakasan niya ang ugoy. "Kuya!!!" sigaw ko.

Nagtawanan ang lahat.

Sinamaan ko ng tingin ang lahat ng narito maliban kay tita Clara na sinusuway sila. Hindi nakaligtas si daddy sa akin. Pati siya inaway ko gamit ang matatalim na tingin.

"Zac, baka mapikon ang anak mo!" Hinampas pa nito ang braso ni daddy. Tumawa lang ito nang tumawa.

"Nasa'n nga pala si Clark?" tanong bigla ni Melody.

Oo nga 'no?

Pasimple kong iginala ang mga mata ko sa paligid. Wala nga ito rito.

"Umalis sila ni Cynthia," ani tita Clara.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now