🌸CHAPTER 38🌸

1.1K 26 1
                                    

Chapter 38

ISANG buwan ang mabilis na nagdaan. Naging abala kami ni Clark sa pagpeprepara sa aming kasal.

"Mamaya nga pala, pupunta rito sina Shasha." Nilingon ko si Clark sa aking tabi. Binabasa niya ang mga listahan na magiging mga abay namin. Halos lahat ng aming mga kaibigan ay kasama sa entourage. White and peach ang napili kong kulay.

"Bakit raw?" tanong nito. Nilapag niya ang kulay dilaw na papel saka dinampot ang baso ng juice sa lamesita.

"Sinabi ko kasi na kasama sila sa magiging entourage natin sa kasal. Hindi nga lang pwede si Melody dahil malaki na ang tiyan niya," sabi ko.

"E, si Maureen?" tanong nito. Lalo siyang sumiksik sa tabi ko kaya natawa ako. "Baka malaglag mo ko sa sofa!"

"I won't let that happen, honey." Niyakap niya ko bigla saka hinalikan nang mabilis sa aking labi.

"Clark Vincent!"

Natatawa itong tumayo. "Honey, may pasok ako mamaya sa ospital. Night shift." Sumimangot ito.

Pumapasok na ulit ito sa pinapasukang ospital. Ako naman ay umuwi sandali sa Cali upang harapin ang obligasyon ko. Sinabi ko rin sa mga kaibigan ko ang magandang balita na dala ko tungkol sa amin ni Clark.

Mabuti na lamang at pumayag ang mga ito na mag-extend pa ako ng leave.

"Bakit ka nakasimangot?"

"Hindi kita masasamahang maghapunan saka hindi kita nahahatid sa kwarto mo kapag matutulog ka na," aniyang nakanguso pa.

Natawa ako nang mahina. Tumayo na rin ako saka yumakap sa kaniya. "Para kang sira. Nasa iisang bahay lang tayo tapos ganiyan ka pa?"

"Tss! E, 'yun ang gusto kong gawin. At iyon ang mamimiss ko kapag nagpanggabi na ko,"

"Ilang weeks ka bang grave shift?"

"2 weeks, honey."

"2 weeks lang pala, e. Saka ayaw mo ba no'n? Kapag umuwi ka, nandito lang ako sa bahay. Pwede kitang bantayan sa pagtulog," wika ko.

Nilayo niya ako sa kaniyang sarili. Pilyong ngiti ang namutawi sa labi nito saka nakataas ang isang kilay.

"Talaga? Babantayan mo ko matulog?"

Inirapan ko ito nang aking mahinuha kung ano ang nasa isip nito. "Hoy, 'wag kang green minded dyan, Vincent! Tamaan ka sakin!"

"Joke lang!" wika nito saka ako mabilis na hinalikan sa noo. "Mahal na mahal kita," bulong nito.

"Mahal din kita, Clark Vincent."

MAINGAY ang mansyon namin nang dumating ang aming mga kaibigan. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang mga dalang pagkain.

"Nasa'n ang fiancè mo, Zai?" tanong ni Shasha habang kumakain ng popcorn. Nasa sala kaming lahat at tanging si Clark lang ang wala saka si Kuya Zoilo.

"Gumagayak. May duty siya mamaya sa ospital."

"A, so hindi siya makakapag-bonding satin ngayon?" Nilapag ni Tristan ang dalang mga bote ng alak.

Nagkibit-balikat na lang ako dahil malamang, hindi na nga.

Nagkakasiyahan kami sa sala nang bumaba ito na humahangos. May kausap ito sa cellphone at nakakunot ang noo.

Napatayo ako bigla dahil kinabahan ako.

"Clark?" tawag ko sa kaniya. Hindi yata ako narinig nito dahil seryoso pa rin itong nakikipag-usap sa kabilang linya.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon