🌸CHAPTER 21🌸

1.3K 36 3
                                    

Chapter 21 -- REPRESENTATIVES

Ilang linggo ang lumipas, naging normal na sa amin ni Clark ang hindi magpansinan. Pero kapag may tinatanong siya sa akin, sumasagot naman ako. Ganoon din siya sa akin. In short, pormal kami sa isa't isa.

Aaminin ko, namimiss ko na siya. Hindi man kami ganoon nagkalapit tulad ng magbarkada ay meron pa rin siyang puwang sa puso ko. Habang tumatagal yata ay lalong lumala ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Masasabi ko rin na selosa pala ko.

Maraming beses kong napatunayan iyan. Gaya ngayon. Nasa pantry kami ng mga kaibigan ko at kumakain ng lunch.

"Uy! Sila Clark," sabi ni Tony. Binangga pa nito ang braso ko gamit ang siko niya. Mabilis kong hinanap ang pigura ng lalaki.

Ayos na sana, e. Ngingiti na ako.

Kaso...

"Hi, Zairene!" bati sa akin ni Maureen.

Kasama na naman nila ang babaeng ito. Ano bang meron sa kanila at palaging magkasama ang mga ito? Nililigawan ba niya ito? Bakit sa dinami-rami, bakit si Maureen pa?

Bakit hindi na lang ako?

"Hello," bati ko rin kalakip ang peke kong ngiti.

"Kumain ka na?" tanong ni Clark sa akin. Nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Naghihintay ng tingin.

"Oo, katatapos lang. Ikaw?"

"Ngayon pa lang."

"Okay," sabi ko. Muli kong binalingan ng tingin si Maureen. "Bakit kasama ka nila palagi? Kayo ba ni Clark?"

"H-huh?" taranta akong nilingon nito.

"Zairene! Ano bang sinasabi mo d'yan?" galit na tanong ni Clark.

"I'm just asking her, Clark," matalim ko siyang tiningnan. "Ano, Maureen? Nililigawa ka ba niya?"

"Zairene, tama na," awat sa akin ni Tony.

"Maureen, sige na. Umalis na kayo." Taboy ni Dashna.

Pinigilan ko sila. "Wait! Bakit ninyo papaalisin si Maureen? May tinatanong pa ko sa kaniya. Di ba, Maureen?"

Nakayuko na ito ngayon. Nanginginig ang mga kamay.

"Enough, Zairene!" Nilingon ko si Clark. Galit ang tingin na ipinukol niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako kaso hinawakan niya sa braso si Maureen at hinila palabas ng pantry. Sumunod sa mga ito sina Tristan at George na kapwa umiling sa akin.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig habang tinatanaw sila palayo.

"What the heck?" Mahina kong tanong.

"Ano bang problema mo? Bakit mo naman ginanon si Maureen?" inis na tanong sa akin ni Shasha.

"I'm just asking her -"

"Hindi ka lang nagtatanong, Zairene. May laman ang tanong mo at kung talaga pagtatanong lang ang balak mo, sana tumigil ka na nung sinuway ka ni Clark kanina. Pero hindi ka tumigil." Tumayo ang dalawa. "Excuse lang, Tong at Dashna. Susundan lang namin sila Clark."

Hindi nila ako tiningnan pa.

Lalo akong nainis. Bakit ba lahat sila ay kampi sa babaeng iyon?

Nilingon ko ang mga kaibigan ko. "What?" tanong ko nang makitang umiling lang sila.

Nagtatanong lang naman ako pero bakit ayaw nilang sumagot? Dahil ba totoo? Ano? Sila na? Mga bwisit sila.

~~

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now