🌸CHAPTER 39🌸

1.1K 31 1
                                    

Chapter 39

ILANG araw kaming hindi nagkakausap ni Clark dala nang pagiging night shift nito. Kapag nasa bahay kasi ito ay tulog lang maghapon samantalang ako ay abala sa pagtatrabaho. Computer base ang mga trabahong inaasikaso ko habang sila Arlena na ang bahala sa firm sa Cali.

Sa gabi naman ay maaga ako natutulog habang siya ay papasok pa lang sa trabaho.

Namimiss ko na siya. Totoo. Pero masama pa rin ang loob ko sa kaniya.

Bakit niya kailangan maglihim sakin?
Nagtitiwala ako sa kaniya kaya dapat walang lihiman

Kapag nagmahal ka, dapat magtiwala ka.

Pero bakit si Clark mukhang wala?

Nakatitig lang ako sa aking laptop na nakapatong sa mesa. Nasa librarya ako at nagtatrabaho. Picture namin ni Clark ang naka-wallpaper doon.

Napangiti ako nang mapunta saking daliri ang paningin ko.

Nawawala ang tampo ko sa kaniya kapag naaalala kong nagproposed siya sakin. Pumapasok sa aking isipan na ako lang talaga ang gusto niyang makasama habang buhay dahil ako ang mahal niya.

Ako lang.

Pero hindi ko talaga maiwasan na magselos lalo na kay Cynthia.

Dinampot ko ang aking phone saka nai-dial ang numero nito. Galing iyon kay Shasha at nakuha raw nito iyon sa inay ni Cynthia. Nanginginig man ay lakas-loob kong tinawagan ito.

Kung ayaw ni Clark na magsabi sa akin ng totoo, puwes, ako ang magtatanong kay Cynthia.

MARAMING tao ang dumaraan sa harapan ng JADE's Place kung saan kami magkikita ni Cynthia. Tinawagan ko siya kanina upang makausap ng personal. Hindi man sabihin ng boyfriend ko ang nangyayari sa kanilang dalawa ng babaeng ito, kay Cynthia na ako mismo magtatanong.

"Ma'm, here's your order," wika ng waiter na may dalang mango shake at blueberry cheesecake.

"Thanks," turan ko.

Nakakatatlong higop pa lang ako sa aking iniinom nang makita ang pigura ni Cynthia sa aking harapan. Tumikhim ito. Nagpunas naman ako ng tissue bago ito taas noong hinarap.

Humalukipkip ako nang makitang nakatitig lang ito  sa akin.

"Maupo ka muna dahil baka mangawit ka," sabi ko.

Tiningnan muna nito sandali ang silyang nasa tabi nito bago naupo.

"Bakit mo ko gustong makausap?" tanong nito.

"I will go straight to the point here, Cynthia. Bakit ka ba nanggugulo samin ni Clark? Bakit hindi mo pa tanggapin na ayaw niya sa'yo? Nagmumukha ka lang na desperada, e!" Kalmadong sabi ko pero halata sa boses ko ang pagkainis sa kausap. Dinampot ko ang tinidor saka nag-slice ng cake. Sinubo ko iyon. Naging mabagal ang pagnguya ko nang makitang nag-angat-baba ang dibdib nito.

"Wala kang alam kaya, Zairene," aniyang matalim ang titig sakin.

"Ofcourse I know everything. Sinasabi sakin lahat ni Clark kaya alam kong ayaw niya sa'yo."

Tumawa ito nang mahina. "Talaga? E, bakit ka pa nandito't kinakausap ako? Kung alam mo ang lahat, sana nagpapaubaya ka na ngayon!"

"What are you talking about?"

"See? Hindi mo alam kung ano ang sinasabi ko kasi nga hindi nagsasabi sa'yo si Clark. Bakit nga ba?"

Naikuyom ko ang aking mga palad. Nagsisimula nang manggalaiti ang dugo at laman ko.

"Bakit hindi mo na lang kasi ako deretsohin? Ang dami mong pasikot-sikot!" Bahagyang tumaas ang boses ko.

Umiling ito.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now