🌸CHAPTER 9🌸

1.4K 54 7
                                    

This is for my sissy SenioritaLynn
Read her Siver Chord 😊😊😊

***

Chapter 9 -- TRY OUT

HINDI ko alam kung makakapag-focus  ba ako nang maayos dahil sa presensya ni Clark. Naguguluhan kasi ko. Ang dami kong tanong.

"Are you ready, Miss Mendez?" tanong ni Sir Zandro. Nakaupo kami sa mahabang table kung saan nakapwesto ang scoreboard sa bandang itaas ng wall.

Kinakabahan ako sa lintek na try-out na ito. Mas kabado pa ko rito kaysa sa panonood ko ng mga nagta-try out sa pep squad ko.

"Y-yes."

Ilang sandali pa ay nagsimula na silang maglaro. Unang nasalang sina Tristan, George at Clark. May dalawa pang bago na nagsisilbing kakampi nila. Sina Mikael naman ang nagsisilbing kalaban nila.

Hindi ako maalam sa mga fouls ng larong basketball. Hindi naman kasi ang referee di ba? Pero dahil kailangan ko nga itong panindigan, ang maging pannel, ay tinutukan ko ng atensyon ang bawat galaw at kilos nila.

"Tingin mo?"

Nilingon ko si Sir Zandro habang ang mga mata ay nasa mga players. Nagkibit-balikat ako habang nakahalukipkip.

"Mahuhusay sila. Lalo na ang mga transferees," wika ko. Well, totoo naman. Kitang-kita kung paano sila maglaro ng malinis. Mga nagtatawanan pa kahit mahahalatang pagod.

"Hmmm..." Nagsulat si sir Zandro sa papel na hawak niya saka hinarap ako. "What do you think? Ako lang ba ang nakakakita?"

Kumalabog ang dibdib ko habang alanganing nilingon si sir.

Nahalata ba niya ko?

Shit, ganon ba ko ka-obvious na may gusto kay Clark?

Napaiwas ako ng tingin saka tinuon ang mga mata sa mga naglalaro.

"Tama ako."

"P-po?"

"Ang husay ni Clark Romualdez, di ba? Pwede siyang maging team captain!" anito saka humalakhak. "Mahusay maglaro. Halos puro three points, oh!"

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sinabi niya.

Whew!

"O-oo nga po, sir. P-pwede siyang gawing captain kaso paano po si Mikael?"

Tiningnan niya ko saglit. "Anong paano si Mikael?"

"Mahusay rin po ang kapatid ninyo, sir. Pwedeng siya ang maging captain." Bukal sa loob kong sabi. Ang galing naman kasi talagang maglaro ni Mikael. We were friends since elementary days at nakitaan ko siya ng kakaibang galing sa paglalaro. Walang duda. Akala ko siya na ang pinakamagaling na player ng basketball na makikilala ko.

Pero hindi pala.

Dahil dumating si Clark.

Doble ang bilis at liksi niya kumpara sa Mikael.

"I know. Kaya ka nga nandito e. Para tulungan ako kung sino sa kanilang dalawa ang pwedeng gawin na team captain. Ayaw kong maging bias kasi baka 'yun ang isipin ng lahat kapag kapatid ko ang pinili ko."

Napalingon ako ulit sa kanila.

Mga pawis na pawis ang mga ito at tila pagod na.
Pumito si sir Zandro tanda na break time muna nila. Yung second batch naman ang pinaglaro nila.

Naiwan akong mag-isa sa table habang nakamata sa kawalan.

Kung pipiliin ko si Mikael, magiging unfair naman ako kay Clark. Kahit sino yatang manood makikita na mas karapat-dapat siya. Pero... kung si Clark naman, baka sumama ang loob ng kaibigan ko sa akin.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now