🌸CHAPTER 47🌸

1.2K 28 0
                                    

Chapter 47

HUMAKBANG si Clark at iginiya niya ako para mapunta sa likod niya. Tila pinoprotektahan.

"Hindi mo ba ko narinig? Ako ang fiancè niya. Back-off!" gigil na wika ni Clark. Mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

Hinawakan ko siya sa braso upang pakalmahin. Tiningnan lang niya ako gamit ang madilim na mga mata.

Tumawa ang lalaking Geoffrey daw ang ngalan.

"Really? I don't call at all. Asawa nga naaagaw, fiancè pa kaya?"

Mabilis na bumitaw si Clark sa akin upang suntukin ang lalaki.

"Clark!" Pigil ko sa kaniya. Niyakap ko siya at buong lakas na pinigilan. Oo, alam kong mahina ako kumpara sa kaniya pero alam kong may tyansa na kumalma siya.

Hindi naman ako nabigo.

Nakasalampak si Geoffrey sa sementadong kalsada habang pinupunasan ng kamay ang dugo sa gilid ng labi nito.

"Kapag sinabi kong back off, back off! Sino ka ba? Bakit ka ba nanliligaw pa sa fiancè ko?" sigaw ni Clark.

Tumayo si Geoffrey nakatumawa.

"Please! Mister Geoffrey, hindi ako interesado sa'yo kaya lubayan mo na ang pangliligaw mo. May boyfriend ako at magpapakasal na kami."

Nagitla naman ako nang biglang dumukot ito ng baril na mayroong silencer mula sa likod at itinutok sakin. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa bagay na iyon.

Tiningnan niya ko nang nag-aapoy na mga mata.

"Gago ka, a!" Muli akong ipinuwesto ni Clark sa likuran nito upang itago.

"Sige, lumapit ka. Para matapos ko na ang buhay mo! Ninyong dalawa!" sigaw nito.

"Sino ka bang talaga?" mahina kong tanong.

"Hindi mo na dapat pang alamin, Zairene! Dahil itong gago na to..." tinutok niya ang baril kay Clark. "Ang siyang may atraso sakin!"

"Atraso? How?" Parang nang-aasar pa si Clark dahil tumawa pa ito nang bahagya. "Ngayon ko lang nakita ang hilatsa ng pagmumukha mo!"

"Clark!" sigaw ko nang itutok ni Geoffrey ang baril kay Clark.

"Tarantado! Paano mo ko makikilala o makikita man lang, nakaaligid ka sa mag-ina ko!"

"M-mag-ina?" tanong ko.

"Oo. At ang gago mong boyfriend ang dahilan kung bakit ayaw ako palapitin ni Cynthia sa anak ko! N-nagkasakit na pala ito pero ano? Imbis na ako ay pumapel ang epal na 'to!"

"Si Candy ang may gusto na nandoon si Clark. Huwag mo sisihin ang boyfriend ko!"

"Anong huwag? Inagaw niya ang mag-ina ko!"

"Wala akong inaagaw dahil wala kaming relasyon ni Cynthia! Kung gusto mo, iyong-iyo na!" sigaw ni Clark.

"Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan. Bakit? Dahil sawa ka na sa kaniya? Ano!?"

"Wala nga kaming relasyon!"

"Ulol! Huwag mo kong gaguhin. Sinabi sakin ni Cynthia na magpapakasal kayo. Gustong-gusto kitang patayin, hayop ka! Pero anong sinabi ni Cynthia? Hindi niya ipapakita sakin ang anak ko kapag ginawa ko 'yun! Kaya kahit napakasakit na makitang ikaw... ikaw ang kinagisnang ama ng anak ko, hinayaan ko kayo! Ang alam ng anak ko, isa lamang akong kaibigan ng ina niya!"

"Ikaw ang tumalikod sa mag-ina mo kaya ba't ako ang sinisisi kung bakit ako ang malapit sa anak mo?"

"Tumalikod? Gago! Wala kang alam! Hindi sakin sinabi ni Cynthia na buntis siya bago ako umuwi ng Pilipinas. Kailan ko lang nalaman na ako pala talaga ang ama... mabuti na lang at sinabi ng nanay niya ang totoo. Hayop ka kasi! Bakit ba umaaligid ka pa sa kanila, e ang ganda naman pala ng syota mo! Ang puti!" Tiningnan ako nito nang animo hinuhubaran ako. "She's also God damn hot!" Sumipol pa ito pagkaraang sabihin iyon.

"Gago!" Muling sumugod si Clark upang suntukin ito pero nakalabit ni Geoffrey ang gatilyo ng baril.

Nanlaki ang mga mata ko habang kitang-kita ko kung paano tumama ang bala sa dibdib ni Clark.

"Clark!"

Napaupo ang fiancè ko habang sapo-sapo ang dibdib na tinamaan.

"H-help! Help!" sigaw ko habang nakaluhod aa harapan ni Clark. Napapapikit siya sa kirot ng sugat niya.

"Manahimik ka!" Dinakma nito ang buhok ko at sinabunutan. "Gusto mo bang isunod kita sa kaniya kapag pinatay ko siya?" Nanggigigil na tanong nito.

"Hayop ka bitawan mo si Zai-- ugh!" Muling pinaputukan nito ang hita naman ni Clark.

Takot. Kaba. Nerbyos.

Halo-halo na ang nararamdaman ko. Gusto ko sumigaw pero natatakot akong baka lalo nitong saktan si Clark.

"Ano bang kasalanan namin sa'yo!?" tanong ko habang nakahawak sa braso nito. Mahigpit ang kapit nito sa aking buhok. Hinihingal ako at halos habulin ang aking paghinga.

"Uulitin ko pa ba?"

Nilingon ko ang bahay namin. Bakit parang walang tao? Nasaan sila?

Lalong bumigat ang dibdib ko nang makita kong nakahiga na sa kalsada si Clark.

"C-clark!? Clark!" tawag ko pero hindi ako nililingon.  "Hayop ka! Bakit mo ba to ginagawa! Wala kaming kasalanan sayo! Si Cynthia ang may kasalanan dito dahil malandi siya!" sigaw ko.

Binitawan niya ang aking buhok pero sinampal niya ako dahilan upang mapasubsob ako sa kalsada. Sa tabi ni Clark.

Hindi ko masabi kung gaano kasakit iyon. Namanhid ang pisngi ko at alam kong nasugatan iyon dahil may matigas na tumama. Marahil ay baril.

"Wala kang karapatan na tawagin ng ganiyan si Cunthia dahil ikaw ang malandi! Nagawa mong landiin ang step-brother mo!"  Tinutok niya ang baril sa akin.

Panay man ang tulo ng aking mga luha at ang buhok kong gulo-gulo ay wala akong pakielam. Mabilis kong nilapitan si Clark.

Nakapikit ito pero humihinga pa.

Thanks, God!

"Ano? Patay na ba?" Tumawa ito ng tulad sa isanf demonyo. "Isusunod na rin kita! Mawala na kayong lahat para naman kami na ulit ni Cynthia!"

"Tama na! Maawa ka samin!" Pagmamakaawa ko na lang. Dinikit nito ang dulo ng baril sa aking ulo.

Tumayo ang maliliit kong balahibong-pusa sa buong katawan. Nanginginig ang katawan ko.

Napapikit na lang ako.

Katapusan na ba namin to?

Diyos ko! Tulungan po ninyo... kami.

Isang malakas na putok ng baril ang nagpayuko sakin at napayakap ako kay Clark. Kung ano man ang nangyari ay wala na akong pakielam. Niyakap ko na lang nang mahigpit si Clark.

"Hon, p-please... wake-up. Honey," sabi ko habang inuuga ang braso nito.

Nang lingunin ko si Geoffrey ay nakahandusay na ito sa kalsada. Puno ng dugo ang bandang dibdib at dilat na dilat ang mga mata.

"Zairene!"

"Kuya!" Lumapit ito sa pwesto namin ni Clark. "D-dalin natin siya sa ospital. B-baka mapano siya, b-baka mama--"

"Hindi mangyayari 'yan, baby." Buong lakas nitong binuhat si Clark at sinakay sa kotse.

Ilang dasal ang inabot ko sa Diyos. Ilan ba dapat? Sana dinggin niya ko na sana walang masamang mangyari sa boyfriend ko.

God, tulungan ninyo si Clark. Kailangan ko po siya. Mahal na mahal ko po siya. Iligtas po ninyo siya.

To be continued.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα