🌸CHAPTER 32🌸

1.3K 35 0
                                    

Chapter 32 -- QUESTIONS

"Sorry talaga, Miss Raffy," ani Clark sa magandang babae na matanda lang sa amin ng isang taon.

"Ayos lang 'yon. Nakakatuwa ka nga kasi halatang mahal na mahal mo 'tong si Zairene," wika naman ni Miss Raffy. Tiningnan pa ako nito saka tumawa nang mahinhin.

Napakamot na lang sa batok si Clark. Ako naman ay humawak sa kaniyang braso.

"Ayos na," sabi ko. Ngumuso lang ito bago ngumiti. "Next time, mag-isip ka muna, ha?" Tinapik ko pa ang braso nito.

"Opo!"

Inaya ko siya na lumapit kina daddy at mommy Clara. Nasa stage sila nakaupo. Kaming mga bisita ay nasa ibabang bahagi nito.

Magarbo ang kasal. Silver, white and black ang kulay nang halos lahat ng bagay na makikita.

Mula sa mga mesa na nababalutan ng kulay puting tela, ang mga bulaklak na galing pa mula sa Greece at ang mga pagkain na talagang mga bihasang chef ang nagluto.

Puno nang saya ang mga mata ng dalawang kinasal. Nagsusubuan sila ng cake nang amin itong lapitan.

"Congrats po!" bati ko sa kanila. Bumati din si Clark sa mga ito.

"Salamat sa inyo, mga anak," ani mommy Clara na maluha-luha.

"Ma, 'wag ka nga umiyak."

"Clark, hayaan mo si mommy! Masaya lang siya," awat ko lay Clark. Napangisi ito pagkasabi ko noon. "O, anong ngini-ngisi mo dyan? Baliw ka!"

Umiling ito. "Wala lang. Ang sarap pakinggan at ang ganda mong tingnan habang tinatawag na mommy ang mama ko."

Namula ang pisngi ko. Yung mga alaga ko sa aking tiyan ay nagsisimula na namang magwala.

"S-syempre... mommy ko na siya, e."

"Kaya nga. Mommy mo na siya." Naramdaman ko ang kaniyang kamay na humawak sa aking kamay. Tiningnan ko iyon. Dahan-dahan niyang iniangat iyon at dinala sa kaniyang labi. Hinalikan nito ang likod ng aking palad. "I love you,"

Napangiti ako.

Hindi ba siya nagsasawa sa kasasabi na mahal niya ko?

Napayuko na lang ako dahil ayokong makita niyang namumula ako.

"Uy!"

Nag-angat ako nang tingin. Nakasimangot na naman siya. "Ano?"

Pumalatak ito saka ako tinitigan. Tila binabasa ang laman ng aking isip.

"Sabi ko, I love you," aniya.

"Hindi ka ba nagsasawa sa pagsasabi mong mahal mo ko?"

"Hindi." Maagap niyang sagot. Nalaglag ang panga ko. "Ayaw mo?"

"Ofcourse I like it. I loved to hear that kaso, baka mamaya maumay ka. Magsawa." Nag-iwas ako nang tingin.

Napunta ang mga mata ko kina daddy na tinawag ng emcee sa gitnang bahagi ng stage para sumayaw.

Hinawakan ni Clark ang pisngi ko at iniharap sa kaniya.

"Hinding-hindi ako magsasawa. Mahal na mahal kita. Tatagal ba ko nang walong taon kahihintay kung di kita mahal?"

Oo nga naman.

"Pero iba pa rin ang ngayon sa noon, Clark. Maraming pwedeng maging hadlang."

"Sa tingin mo, papayagan kong may humadlang?"

Napayuko na lang ako habang siya naman ay tumungga ng wine. Napahikab ako nang wala sa sarili. Papagabi na at sobrang napagod ako.

"Iuwi na kita?"

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now