🌸CHAPTER 50🌸

1.5K 31 0
                                    

Chapter 50

"HINDI mo ba siya sisilipin?" tanong ko kay Cynthia nang nasa tapat na kami ng hagdan.

Umiling ito na may ngiti sa labi.

"Saka na lang siguro. Nakokonsensya ako sa tuwing maaalala ang nangyari sa kaniya. Ano nga pala ang balak ninyo kay Geoffrey?"

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

"Ayaw pumayag ni mommy na hindi makulong ang lalaking 'yon."

"Pinagbabayad rin ba ninyo 'yon sa mga gastusin?"

Ako naman ang umiling. "Hindi na. Kaya naman namin bayaran ang lahat ng dapat bayaran basta gumising at maging ligtas lang si Clark."

Tinapik niya ang braso ko. "Magdasal lang tayo. Gigising na 'sya."

Gumanti ako ng ngiti.

Hindi pa rin ako makaniwala na ang Cynthia na siyang madalas sanhi kung bakit ako nasasaktan ay isa na ngayon na nagpapalakas ng loob ko.

Hinatid ko siya hanggang sa lobby ng ospital.

Nang makaalis ito ay saka ko palang naalala ang phone ko. Kinapa ko iyon sa aking bulsa ng pantalon. Nagulat pa ako nang mapansin na maring miscalls from ate Zaira.

Dali-dali kong tinawagan ang numero nito. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit nabubuhay na naman ang takot sa puso ko.

"Zai!" bungad nito sa kabilang linya.

"Sorry, ate. Narami kami ng napag-usapan ni Cynthia --"

"Gising na si Clark!" bakas sa boses nito ang kasiyahan.

Tila hudyat naman iyon para magmadali ako sa pagpunta sa private room nito. Lakad-takbo ang ginawa ko.

Humahangos ako nang sa wakas, nasa tapat na ako ng pinto. Napahawak ako sa aking dibdib. Ramdam ko ang pagod at bahagyang nanginginig ang aking kalamnan sa hingal. Nagwawala ang puso ko at hindi mapakali.

Pumikit ako nang mariin bago pinihit ang seradura ng pinto.

Pumasok ako nang dahan-dahan.

Unti-unti kong nakikita ang paanan ni Clark. Habang papalapit ako sa kama niya ay pataas nang pataas ang aking nasusulyapan sa parte ng katawan niyang nababalutan ng kumot.

Napasinghap ako nang sa wakas ay nakita ko na ang mukha niya.

Nakadilat at tila nagtataka dahil si ate ang kasama niya.

"Clark..." tawag ko sa kaniya.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakatitig ako sa mukha niyang napakagwapo.

Nilingon niya ko.

Ngumiti siya.

Ang ngiting iyon ang na-miss ko nang sobra-sobra.

Mabilis na nag-ulap ang aking mga mata. Nanlabo ang paningin ko at tanging siya lang ang naaaninag ko.

Nilahad niya ang kaniyang kanang kamay upang salubungin ako. Hindi ko na napigilan.

Tinakbo ko ang natitira naming distansya.

"Clark... thanks God at gising ka na!" bulalas ko habang umiiyak. Mahigpit ang yakap ko sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

Lalo akong napaiyak nang maramdaman ko ang palad niyang humahaplos sa aking likod.

"Miss me, h-honey?" tanong niya na paos pa ang boses.

Tumango ako na animo isang bata sa kaniya. "Ang tagal mo gumising... a-akala ko... akala ko iiwan mo na ko," wika ko habang walang humpay ang pagtulo ng aking mga luha.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora