🌸CHAPTER 33🌸

1.2K 34 15
                                    

Chapter 33 -- CALLER

NAKATITIG ako sa lamesa habang nakikinig sa mga sinasabi ni Clark. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Marami akong naging girlfriend. Hindi mo kilala ang mga 'yon dahil taga-roon sila. Hindi sila Filipino," aniya. Hindi ko man siya lingunin ay alam kong na sakin ang paningin nito.

Wala pa rin akong imik kaya nagpatuloy siya.

"Hindi kita pwedeng lapitan, mag-isa akong pumapasok araw-araw. Kaya naman nakipagkaibigan ako sa mga kaklase ko."

"Bakit kasi hindi mo ko nilapitan?" Kunot-noo kong tanong.

"Zairene, alam kong kaya ka umalis ng bansa para makapag-isip at ituon ang buong atensyon mo sa pag-aaral. Ayokong masira ang pag-aaral mo,"

"Sinong nagsabi na masisira? Clark, oo umalis ako dahil iyon ang plano ko. Pero kung lumapit ka noon baka tayo na noon pa lang!" singhal ko sa kaniya.

"Oo nga kaso iba pa rin 'yung magpo-focus ka sa pag-aaral mo,"

"E, sino-sino naman ang mga naging ex mong Pinay?" Deretso kong tanong.

"Si Maureen."

"Lang? Siya lang ba talaga? Iyong totoo, Clark?" Natawa akong peke. Gwapo si Clark at matalino. Maganda ang hubog ng katawan nito at isang malaking kasinungalingan kung sasabihin niyang bukod sakin ay isa lang ang Pinay na naging ex niya.

"Si Cynthia," bulong nito.

"What!?"

"Pero wala lang 'yon sakin." Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa braso.

"Paano naging kayo, e ang sabi mo nasa California ka rin?"

"Nandoon din siya," sagot nito. Napapikit ako sa inis.

Ano 'yon? Habang wala ako ay si Cynthia muna ang papalit sakin? Walang pumorma sakin dahil sa pagbabantay niya tapos siya... taken?

Nag-taas-baba ang dibdib ko. Masyadong nakakagalit.

"So, dinala mo pa siya ro'n? Bakit? Para hindi ka ma-homesick?"

"What? No! Nauna ako sa kaniya nang isang taon. Matalino rin kasi si Cynthia at nung grumaduate siya, scholarship sa California ang kinuha niya,"

"I hate you!" mahingang sigaw ko.

"Ano? Honey naman. Nagsasabi na nga ko sa'yo, e!"

Inirapan ko lang siya.

Oo nga, nagsabi siya nang totoo. Ayos 'yon! Pero 'yung bagay tungkol kay Cynthia? Isang malaking kalokohan!

Sa pagkakatanda ko, malaki ang pagkagusto nito kay Clark. Nagawa pa nitong magsinungaling at gumawa nang kwento para lang siya ang paniwalaan ng Clark na ito.

"E, bakit kayo naghiwalay?" Nakataas na ang kilay ko. Pakiramdam ko ay nagpapalpitate na iyon sa sobrang pagkainis ko.

California iyon. Liberated ang mga nakatira. But ofcourse, except me. Tanging si Clark lang lalaking minahal ko at naging boyfriend ko.

Biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay na sobrang nagpatayo ng aking balahibo.

Si Clark at Cynthia, magkasama sa kama.

Napailing ako sa aking naisip.

Fuck!

"Honey? Ayos ka lang?" Hinawakan niya ko sa braso ko.

"May nangyari ba sa inyo?" Deretsong tanong ko. Kumunot ang noo nito.

"Ano? Wala! Hindi ako malikot sa babae!"

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ