KABANATA 5 - Bahagi 2

Start from the beginning
                                    

"Dapat magalit ako at kamuhian ka ngunit inudyok mo ako na hindi ko maramdaman iyon sa iyo," saad ng binata habang hinahawakan ang pisngi ni Scarlett.

            Pinunas ng binata ang luha ni Scarlett. Gusto niya itong patahanin mula sa pagkakaiyak. Dahil sa babaing nasa harapan niya, hindi niya makontrol ang sarili na ilang araw na niyang pilit alisin. Sa unang araw na nakita niya ito ay nakaramdam siya ng tripleng kaba na hindi niya mapahiwatig kung bakit. Sa unang araw na nagkalapit ang kanilang balat ay ang unang pagkakataon na gustong - gusto niya itong yakapin at halikan. Ilang araw niya iyong kinontrol ngunit kahit anong pagpipigil niya ay kusang gumagalaw ang kanyang katawan upang ito ay mahawakan.

             Matapos niyang punasan ang luhang dumadaloy sa mga mata ng dalaga ay hindi inasahang mahalikan niya ito sa noo. Nagulat si Scarlett sa ginawa ng binata. Hindi niya inakalang gagawin iyon ng hari. Ang pagkatakot ni Scarlett sa binata ay nawala. Nakaramdam siya ng hindi maunawaang kaba sa puso. Kabang nagbibigay sa kanya ng kakaibang emosyon sa binata. Bumilis ang kanyang puso na tila ay hindi siya makapag salita. At kung susubukin niyang makapagsalita ay tiyak na mauutal siya. At iyon din ang araw na pumula ang kanyang pisngi dahil sa ginawa ng binata. Niyakap siya ng binata at bumulong sa tenga nito.

"Patawad ....," mahinahong saad ng binata.

             Iyon ang kauna - unahang pagkakataon ni Great Thorn na humingi ng tawad. Si Scarlett lamang ang sinabihan niya nito sa libong daang taong buhay niya. Siya lamang at wala ng iba.

             Sa di kalayuan ay kitang - kita ni Amelia ang hari na nakikipag yakapan sa babaing nakatakda. Hindi siya masaya sa kanyang nakita. Puot at galit ang kanyang naramdaman kay Scarlett. Gusto niya itong lapain at kitilin ang buhay upang wala ng makakaagaw sa pinakamamahal niyang binata.

"Humanda ka ... hindi ko hahayaang mapalapit ka sa hari. Hindi ako papayag ... akin lang si Great Thorn. Pahihirapan kitang babae ka!," saad ni Amelia sa isipan.

             Hindi kayang makita ni Amelia ang dalawa. Nagdulot iyon ng galit at pag - udyok na saktan si Scarlett sa kahit anong paraan. Matapos ang pangyayaring iyon ay nakaupo si Scarlett sa upuan sa loob ng kusina ng tagasilbi at napatulala ng mag - isa. Hindi niya akalain na ginawa iyon ng binata sa kanya. Ang paghingi ng tawad ni Great Thorn ang nagbigay sa kanya ng pakiramdam na mawala ang takot na nararamdaman. At dahil sa salitang iyon ay nakaramdaman din siya ng katiwasayan sa isip at puso.

             Sa kinaroroonan niya ay dumating si Amelia. Hindi maipinta sa kanyang mukha ang pagseselos, galit at oportunidad ng makaganti. Hindi siya nag - dalawang isip na sampalin si Scarlett. Bampira siya at ang pagsampal niya kay Scarlett ay tila isang hampas. Malakas iyon na nagbigay ng pagmamanhid sa mukha ni Scarlett. Dahil sa sampal na iyon ay napahiga si Scarlett sa sahig at napahawak sa kanyang pisngi.

"Hindi ko hahayaan na sa isang tulad mo lang mapupunta si Great Thorn! Isa kang mahinang nilalang. Hindi ka nababagay sa kanya!," pagalit na saad ni Amelia.

             Agad na lumapit si Amelia sa pagkakahiga ni Scarlett sa sahig at hindi siya nag - atubiling sakalin ito. Hindi makahinga si Scarlett dahil sa ginawa ni Amelia sa kanya. Kitang - kita ni Scarlett ang pamumula ng mga mata ni Amelia na tila ay gusto siya nitong patayin.

"Tu ... tulong ....," pagpipilit na saad ni Scarlett.

Hindi siya makagalaw. Naisip na lamang ni Scarlett na iyon na siguro ang araw ng kanyang kamatayan. Ngunit isang segundo lang ang naramdaman ni Scarlett na lumuwag ang pagkakagapos ni Amelia. At mula sa pagkakapikit ay iminulat ni Scarlett ang kanyang mga mata. Nakita niya ang matatalim na mga pangil ni Amelia. Ito ay papalapit na sa kanya at gustong - gusto na siyang kagatin nito sa leeg. Natakot si Scarlett at napaluha.

"Hu ... huwag pakiusap ....," saad ni Scarlett na nagmamakaawa.

"Huli na dahil nauuhaw ako!," sagot naman ni Amelia na nababalutan ng malademonyong boses.

             Hindi nag - atubiling inilapit ni Amelia ang kanyang pangil. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakaramdam si Scarlett ng bagay na bumaon sa kanyang leeg. Napakatalim nito na nagbibigay ng sobrang sakit na parang pinupunit ang kanyang leeg ng dahan - dahan. Halos manghina siya sa ginawa ni Amelia na tila ay uubusin ang kanyang dugo. Nanlalabo ang kanyang paningin at gusto na niyang mapapikit. Ngunit bago pa man mapapikit si Scarlett ay nakita niyang may pumipigil kay Amelia at ang narinig niya lamang mula sa nilalang na pumigil kay Amelia ay ang salitang "takbo."

"Tumakbo ka!, Takbo!," sigaw ng tagasilbi.

"Huwag kang makialam Matilda!, napakatamis ng kanyang dugo!," pasigaw ni Amelia.

"Tumigil ka!," sagot naman ni Matilda habang pinipigilan si Amelia.

               Pinilit ni Scarlett na bumangon at tumayo. Kahit nahihirapan na siya ay inihakbang niya ang kanyang mga paa palayo kay Amelia. Tumakbo siya ng sapilitan kahit na nanlalabo ang kanyang paningin. Hindi siya tumigil sa pagtakbo at sumigaw ng tulong. At ang tangi niyang nakikita ay ang maliwanag na ilaw mula sa di kalayuan. Iyon ang ilaw na nagmumula sa bukas na pinto. Gusto niyang makapunta doon at humingi ng tulong sa kung sino mang makakatulong sa kanya ngunit tila masaklap ang kanyang buhay dahil bago pa man siya makaabot sa pintong iyon ay may humarang sa kanya. Doon ay bigla siyang nahimatay.

------------------------------------------------------
PASASALAMAT:

Lubos ko pong pinasasalamatan si jenkyjamore sa walang sawang pagsubaybay sa kauna - unahan kong publiksyon sa aking kwento. Nagpapasalamat po ako dahil siya ang kauna - unahang nagbuto sa akin. Ikaw po ang aking inspirasyon sa pagpapatuloy ng aking kwento. Salamat sa iyo.
--------------------------------------------------

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now