Chapter 38 : The Jealous Cali

Start bij het begin
                                    

"Oo nga, pero, mukha kaseng busy ka kaya uwi na muna ako, baka maka-istorbo ako eh."

Tumalikod na muli ako at naglakad pero imbes na pag-pigil ang ginawa niya ay narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya.

"Nagseselos ka ba sa kausap ko?" napatigil ako bigla sa sinabi niya at nilingon siya.

"Hindi ah, bakit naman ako magseselos? Porque sinabihan mo siya ng I love you?"

"Wait, wala akong sinabi na nagseselos ka dahil sa I love you, sa'yo mismo nang-galing yan, so nagseselos ka nga?"

Ugh, shit. Nakakahiya.

"Aish," tumalikod ako at napapikit. Bakit ko ba kase nasabi yun?

"That was Lili, siya yung kausap ko," napadilat ako sa narinig at marahang napatingin sa kanya.

"Huh?"

"Si Lili ang kausap ko sabi ko, umalis kase sila nila Daddy, okay na?" naglalaro ang mapang-asar na ngiti sa labi niya, na para bang nahuli niya ako sa bagay na ikatutuwa niya.

Hindi ako nakasagot, bigla ko ring iniwas ang tingin ko. Nahuli niya ako, nahuli niya akong nagseselos ng aktuhan.

"Okay na ba? Hindi ka na ba nagseselos?" Ugh, talagang diniin niya talaga ang salitang selos.

"Hindi naman ako nag-seselos 'no."

"Eh bakit aalis ka agad?"

"Wala, kase ano-"

"Aminin mo na kase, okay lang naman atleast alam kong nagseselos ka."

"Hindi nga sabi."

"Hindi talaga kayo namimili ng lugar para maglandian eh 'no? Nakita niyong kumakain ako sa harap niyo, nakakaumay kaya," Chance, really has the talent of cutting romance excitement.

"Oo nga eh, pero sa cake hindi ka nauumay 'no? Nakalahati mo na yan, magtira ka naman," inagaw ni Cali ang cake kay Chance.

Nagsimula na silang magrambulan dahil sa cake. Nagpasalamat na din ako dahil kahit papaano ay nawala ang atensyon ni Cali sa pagseselos na ginawa ko. Nakakahiya talaga, pati bata ay napagselosan ko, ang epic ng unang pagseselos, tsk.

--

Isang masayang araw na naman ang natapos na kasama ko si Cali, mabuti nalang at inihatid niya ako sa bahay at hindi na ako nagcommute pabalik. Malalim na ang gabi, napag-pasyahan ko na magpahinga, nakasuot na ako nang pantulog at hihiga na lang nang bigla namang may tumawag sa telepono. Tulog na sila Aling Tinay at tanging ako nalang ang gising kaya wala akong nagawa kundi sagutin ito mula sa intercom. Napakunot ang noo ko nang makita ang numero sa maliit na screen, numero iyon ng bahay nila Kade.

"Hello?"

"Hello po? Si Ma'am Rheiko po ba ito?" nagtaka ako sa narinig, mukhang boses iyon ng kasambahay nila.

"Ako nga po."

"Ma'am, pasensya na po sa pang-iistorbo pero wala na po kaming malapitan, pinatawagan po kayo ni Ma'am Audie, nagwawala po kase si Sir Kade, wala pong makapigil sa kanya, wala rin po sa bahay sila Sir Rage, baka po pwedeng matulungan niyo kami."

"Ano ba Kuya! Tumigil ka na nga pwede?"

I overheard the rant of Audie over the phone. Her hoarse voice is a sign that she's squelching Kade in a preceeding hours. I heard a loud bang of a door, glass are crashing and some of house decoration (I think) drop from a height.

"Sige po, pupunta na po ako," nag-alala ako bigla, hindi dahil nagwawala lang si Kade kundi baka pati si Audie ay masaktan niya sa ginagawa niya.

"Naku, maraming salamat po talaga, ingat po kayo Ma'am Rheiko."

Of The Shattered CompassWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu