Chapter 64 The Escape

Magsimula sa umpisa
                                    

"Araaay! Bryan sabi nang dahan-dahan lang eh.",sabi ko.

"Madahan naman na ah.",sabi nya.

"Dahanan mo pa.",sabi ko habang patuloy sa pagngiwi. "Ayan. Ganyan."

"DAMN IT! Bryan! Abby!"

Parehas kaming natigilan ni Bryan at napatingin doon sa may pinto. Hinintay namin na bumukas yun.

"Oh! Sabi ko na eh! Hi kuya.",bati ko sabay kaway-kaway pa. "Hi Dean, hi Chanz, hi Koden."

Sila naman ang natigilan at napatulala samin.

"A-Anong ginagawa nyo?",takang tanong ni Koden.

Tumayo ako at dinmapot yung suklay ni Bryan.

"Eh paano etong si Bryan ang likot-likot. Ayun nalaglag ako sa kama. Hinihilot nya yung likod ko. Sya naman kasi may dahil!",sumbong ko habang tinatalian yung buhok ko.

"Anong ako? Eh ikaw ang malikot dyan eh.",sabi ni Bryan.

"Hinihilot? Dude false alarm ka na naman.",sabi ni Dean sabay siko kay kuya.

Gasumot pa din ang muka ni kuya na mabilis ang mga hakbang na naglakad palapit doon sa kama at itinaas iyong mga bedsheets.

"Hey! What the heck are you doing Seam?",sabi ni Bryan.

Para pang ungas si kuya na inamoy-amoy iyong mga comforters at kumot.

"Tignan nyo nga!",sabi ni kuya kela Koden.

Naglapitan yung tatlo at nakiamoy.

"Ui anong ginagawa nyo?",tanong ko.

Hindi nila ako pinansin.

"Oh ano?",sabi ni Bryan sabay cross arms pa.

"Negative Seam. Tsaka malinis oh.",sabi ni Chanz na pinapasadahan ng tingin iyong kama.

"Tss Seam. May nalalaman ka pang malamig kagabi, malamig kagabi dyan.",patawa-tawang sabi ni Koden tapos ay nauna nang naglakad palabas.

Sumunod naman iyong tatlo. Naiwan kami ni Bryan sa kwarto kasama si kuya.

Nag-iigting ang bagang ni Bryan. I knew it. Iniisip nila na may nangyari.

Napatingin ako kay kuya at narealize na nakatitig pala sya sakin. Bumilis naman ang kabog ng dibdib ko nang maglakad sya palapit sakin at titigan ako sa muka.

Napalunok ako nang gamit yung hintuturo nya ay marahan nyang iniangat ang baba ko. Patay.

"Jaws. Neck. Upper chest. Shoulders...",nadidinig kong bulong ni kuya habang ibinabaling pa ang ulo ko at pinapasadahan ako ng tingin na para bang iniinspeksyon.

Tumayo nang maayos si kuya at tinignan si Bryan.

"Okay. I admit. Something did happen. We kissed. It was some kind of heated, but more than that, nothing happened. I swear. Hanggang upper chest lang ako.",sabi ni Bryan.

Napatungo ako dahil sa kahihiyan. At talagang hindi muna nila ako pinaalis eh noh?

Napatingin si kuya sakin. Napatungo na naman ako.

Nadinig ko syang bumuntong-hininga.

"Nasa tamang edad ka na. Malaki ka naman na. Ano pa bang magagawa ko kung natututo ka nang luman---"

"Kuya naman!",namumula kong saway sa kanya.

Tumawa sya at pinitik ako sa ilong.

"Di ka naman na bata o nagdadalaga na ewan. Isip-bata ka lang. Pero inaamin ko. Malaki ka na talaga. Muka lang hindi pero, oo malaki ka na."

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon