Chapter 55 Broken

61 1 0
                                    

CHAPTER 55 💔 Broken

Brylen's POV

Napapagod na ako sa pagtulong kay coach sa try outs. Ni hindi ko pa manlang na text si Abby na hindi pa muna ako makakasabay sa kanya sa lunch.

"Break muna Brylen.",sabi ni coach.

I almost shouted 'Thank God!'

Naglakad ako papunta sa bag ko at kinuha yung phone ko. I tried to call Abby, kaso hindi sya sumasagot. Baka nakasilent pa ang phone nun. Pero kahit pagod ako, mageeffort ako na puntahan sya. Kasi pasalamat yung Pangit na yun, mahal ko sya.

Pero bago ang lahat, nagpunta muna ako sa locker room. Magpapalit muna ako ng damit dahil baka bulyawan lang ako ni Abby dahil sa pagpapatuyo ng pawis. Para talaga syang si ate Lena.

It's very silent inside the locker room. Wala naman kasi yung ibang players, tsaka hiwalay yung sa mga nagtatry out palang.

I took off my jersey first. Pero nagulat nalang ako nang marinig na bumukas yung pinto. And I was astonished to see Bethany walking in. Sinara nya yung pinto, matapos ay inilock pa yun.

"Hi Brylen.",she said, seductively while walking towards me.

Is she damn trying to seduce me?

"What are you doing here?",I asked.

She smiled, and then stopped in front of me. She rested her palm on my bare chest. Bahagya nya ring inaamoy-amoy yung leeg ko.

"Bethany.",mariin at may atoridad kong sabi sabay hawak sa pulsuhan nya para mailayo sya sakin. Iniwas ko ang muka ko sa kanya.

"Oh come on. Wala naman si Abby.",sabi nya kasabay ng pagpulupot ng mga braso nya sa leeg ko. Sobrang lapit na nya, na magkadikit na ang mga katawan
namin. "Tsaka Brylen, okay lang naman diba? You don't have feelings for.her naman."

Pumikit ako nang madiin para ihinahon ang sarili ko.

"Please Bethany. Wag mong hayaang mawala pa yung katiting na respeto na meron ako sayo. Are you desperate?",I said.

Napakunot ang noo nya.

"Desperate? Maybe Brylen I am really deperate. Pero ano pa bang pakealam mo? This is my life anyway. Gagawin ko kung anong gusto kong gawin."

And without any moment wasted, sinunggaban nalang nya bigla ng halik ang inosente kong mga labi. She even pushed me to the lockers. Damn this wild creature!

Hinawakan ko sya sa magkabilang braso at pilit na kinalas ang pagkakayakap nya sa leeg ko. Iniwas ko yung muka ko at agad na lumayo sa kanya.

"What the hell Bethany?! Ano bang iniisip mo? I have a girlfriend, you know.",sabi ko.

Suminghap sya.

"You don't love her. Ginagamit mo lang sya. Yun yung sabi mo sa record diba? Yun yung narinig ng phone ko nung araw na yun! It was your actual conversation with Chloe Agron.",she insisted.

"Hindi porket yun ang sinabi ko sa recording, yun na yung totoo Bethany.",I said habang nagsusuot na ng panibagong shirt. Matapos, muli ko syang hinarap at tinignan sa mga mata. "I love Abbielyn, Bethany. At kahit ano pang gawin mong pang-aakit, kahit pa maghubad ka sa harapan ko, hindi ko sya ipagpapalit sayo o sa kahit sa kaninuman. Sinusigurado ko yan."

Nag-igting ang panga nya.

"Liar! Eh niloloko mo lang naman si Abby eh. You are just saying that to get rid of me. Come on Brylen!",she said. Then she touched my chest again. Tinapik ko yung kamay nya.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now