Chapter 45 'I Love You, That's Why'

63 1 0
                                    

CHAPTER 45 💕 'I Love You, That's Why'

"'Nak! Gising na. Andyan sina Chloe. Aalis na daw kayo."

Napamulat ako sa biglang nagsalita nang malakas at nagbukas nung nakakasilaw kong bintana kung saan tago ang sinag ng araw.

Tsaka, doon na din sa sinabi ni Mommy.

"Abbbbbyyyy!!!"

OMG ayan na naman sila.

Nagtalukbong ako, pero naramdaman ko nalang ang pagdamba nika sakin. Shete!

"Good morning bruha! Gumising ka na dyan. Nakaalis na sina Bryan. Ni hindi ka manlang nakapagpaalam. Napakatulog mantika kasi.",dinig kong sabi ni Ingrid.

Agad naman akong napatanggal ng kulumbong at napaupo sa kama.

Wala na si Mommy sa kwarto ko.

"Nakaalis na sila?",sabi ko.

"Oo kanina pa. Doon sila nagpractice sa campus. Pero alam mo bilisan mo na dyan. Kasi maya-maya lang magsastart na ang game.",sabi ni Chloe.

Tumingin ako sa orasan. At literal akong lumipad sa kama nang makita na thrity minutes nalang, start na nga ng game.

"Shit.",naibulong ko sabay pasok sa banyo at hubad. Then bukas ng shower.

Sundalo ako ngayon. Pagkatapos kong magligu-liguan, nagbihis na kaagad ako nang mabilis. Yun madali nang isuot ang isinuot ko. Ano pa? Edi dress. Color indigo ulit para match sa team namin. Tapos pinartneran ko nung converse shoes ko. Sinuklay ko nalang yung buhok ko ng mabilis, habang bumababa sa hagdan.

"Hai kasi naman. Ano bang ginawa nyo ni Bryan kagabi at napuyat ka ha?",sabi ni Ingrid.

"Nanood kami ng movie bruha ka. Tigilan mo ang pag-iisip ng kung anu-ano dyan.",sabi ko.

"Almusal na Abby.",sabi ni Mommy.

"My, pagbalik ko po kakain ako. Eto nalang po.",sabi ko sabay kuha nung sandwich. "Bye My. Love you.",sabi ko pa sabay kiss sa pisngi nya.

"Sige. Ingat kayo. Tsaka Abby, kiss your kuya for me.",sabi nya.

"Yes Mom."

Nagpaalam din ng mabilis sina Chloe. Tapos nun, sumakay na kami sa sasakyan. Si Ingrid ang nagdadrive.

Sayang hindi makakapunta si Mommy. May gaganapin kasing hiring sa mga resto ngayon, at gusto nya, sya mismo ang mag-iinterview sa kanila. Ganun si Mommy eh. Metikulosa.

"Baka nagsisimula na ang game.",sabi ni Chloe.

"Malamang.",sabi naman ni Ingrid.

"Pwede ba, wag nyo na nga akong konsensyahin pang dalawa. Oo na ako na ang tinanghali ng gising. Kasi naman napanaginipan ko pa si Bryan.",sabi ko.

Tumawa sila. "Eh luka-luka ka pala eh. Bakit hindi mo sya natanong kung bakit wala sya sa Championship game?"

"Abnormal. Nasa beach kaya kami nun.",sabi ko.

Pinagtawanan na naman ako ng mga walanghiya.

Nagdrive lang si Ingrid habang pinaglololoko ako. Medyo mabilis ang takbo namin dahil late na kami. Kaso maya-maya lang...

"OMG!",sabi ni Chloe.

"Damn!",sigaw ni Ingrid.

"Patay na.",sabi ko.

Huminto bigla yung sasakyan. At nagbounce.

"Flat tire.",sabay-sabay naming sabi.

Bumaba kami ng sasakyan at tinignan yung gulong. Ai anak ng siopao. Naflat nga.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon