Chapter 64 The Escape

86 1 0
                                    

CHAPTER 64 💕 The Escape

Minulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ang isang magaan at mainit na halik sa sentido ko. Umaga na pala. Inabot na ako ng umaga dito sa condo ni Bryan.

Dahan-dahan kong nilingon ang gumawa noon. Natagpuan ko si Bryan na nakatagilid at nakatingin sakin. Nakapatong ang braso nya sa labas ng kumot na nakabalot sa nilalamig kong katawan.

Mas hinigpitan nya ang yakap sakin at itinulak pa ako palapit sa kanya. Pinapawi ng init nya ang lamig na nararamdaman ko.

"Last night...",pasimula nya.

"Thank you for taking control.",putol ko habang hinaplos ang braso nya na nasa bewang ko.

"I almost surrender. Mabuti nalang sumulpot ang muka ni Seam sa isip ko.",biro nya sabay bahagyang halik sa balikat ko.

"Muntik na Bryan. Muntik na akong umuwi nang may laman.",biro ko pabalik.

"Shh. Stop kidding me like that.",ungot nya sa pagkakasubsob sa buhok ko.

Napatawa ako.

"Eh ikaw kase eh!",sabi ko at bahagyang hinampas iyong braso nya. "Psh. Nakakainis. Surprise ko pa naman sayo sa future yun."

Napaangat sya ng ulo at sinilip ang muka ko.

"Hindi ko naman nakita ah.",sabi nya.

"Eh kahit na. Nasilip mo na eh.",napapanguso kong sabi.

"Eh hindi ko naman nahawakan.",sabi nya at muli akong hinalikan sa balikat.

Nanlaki ang mga mata ko. At hinampas sya nang mas malakas sa braso. Pero oo, hindi naman nya nahawakan.

"Aray!",react nya. Pero imbis na kumalas eh mas lalo pang diniinan ang yakap sakin.

"Bastos!",sabi ko.

"What? Anong bastos? Hello babe? Babe. Girlfriend kita. Boyfriend mo ako. You let me. Tawagin mo akong bastos kung hindi ko sayo sinabi o ginawa.",sabi nya.

Napakagat ako sa labi at pilit na kinalas ang braso nya pero hindi nya talaga tinanggal. Hindi ko matatanggap na may point sya!

"Shh. Babe. Wag kang magulo.",saway nya.

"Bitawan mo ako!",sabi ko habang lalo pang nagpupumiglas.

"Ayoko!",pagmamatigas nya.

"Abby naman eh.",sabi nya na hindi pa din ako binibitawan. Mas ginalingan ko ang pagkalas. Hinampas-hampas ko iyong braso nya habang hinihila ang katawan ko.

"Bitawan mo ako!",sabi ko habang patuloy sa ginagawa.

"O ayan!",sabi nya sabay biglang kalas nga sa akin. At hayun at dire-diretso ako pababa ng kama.

"Araaay! Bryaaan!",sigaw ko nang tumama ang balakang ko sa sahig. Dagasa na ako walangyang boypren!

"Oh God! Babe!",gulat na sabi ni Bryan na agad napalundag patayo sa kama at agad akong itinayo. "Hey, you okay? Ikaw kasi eh.",sabi nya nang maiupo na ako sa kama.

"Anong ako kasi eh, ikaw ang bumitaw!"

"Eh sabi mo bitawan kita.",sabi nya.

"Sasapukin kita dyan eh. Ah. Araaaayyy..." Hinawakan ko iyong balakang ko.

"Sorry na.",sabi nya sabay upo doon sa may likod ko. "Saan ba masakit? Akin na, hilutin natin."

Kinapa nya yung nasa likod ko.

"Aray naman! Dahan-dahan kase!",sabi ko nang maidiin nya iyong kamay nya doon sa likod kong masakit. "Bryan!"

"Oh sorry na.",taranta na nyang sabi habang marahan yung hinahaplos.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now