Chapter 59 First Day of Recollection

81 1 0
                                    

CHAPTER 59 💔 First Day of Recollection

Abby's POV

Buong byahe eh papunta sa Baguio eh tulog na tulog ako. Nine hours na byahe din yun. Kaya sulit na sulit.

Pero kaya naman pala napakasarap ng tulog ko kanina at pakiramdam ko eh napakalambot ng paligid, may malaking unan akong sinusubsuban. May neck support din ako na hindi ko naman alam kung kanino. Abat may pakumot pa. May mga kaklase akong babae na agad humanggit nung mga yun nang magising ako.

Nagpasalamat ako kasi akala ko tinulungan nila ako. Pero hindi ko maintindihan dahil pinag-iirapan ako. Ano bang problema nila? Wala naman akong matandaan na hiniram ko yun o kinuha ah.

Huminto ang na bus. Unang bumaba yung mga teachers. Kami naman, naiwan pa sa loob para sa kung anu pa man. Kaso ang matigas ang ulong si Bryan, bumaba na kaagad.

"Hoy ikaw! Kahit kelan talaga pahamak ka.",sabi sakin ni Hollymaw habang hinahaplos iyong malaking unan na yakap ko kanina.

"Inaano ba kita ha?",sabi ko.

Inirapan lang nya ako pero hindi naman sya sumagot. Abnormal na babae.

Maya-maya lang, pinababa na rin kami.

"Haba ng tulog natin ah.",sabi ni Jester na napasabay sakin sa paglalakad.

"Napuyat nga ako.",natatawa ko namang sabi.

Napatingin sya sa bitbit kong maleta na hirap na hirap ako sa pagbuhat.

"Akin na nga.",sabi nya at agad na iyong kinuha sa akin bago pa ako makatanggi.

"Salamat.",sabi ko.

Nauuna syang maglakad kaya hindi ko mapigilang matitigan yung mga muscles nyang nagfi-flex. Ganda rin ng katawan nito ni Jester eh. Pero may mas gaganda pa ba naman sa katawan ni...

Agad akong napakagat sa labi nang sa pagbaba ko sa bus ay mapatingin ako kay Bryan na nakatayo doon sa isang gilid habang sakbat sa isang balikat yung backpack nya. Para syang model. Pero manloloko pa din.

Bahagya pa atang nanlaki ang mga mata ko nang bigla din syang mapatingin sa akin.

"O ayan na.",sabi ni Jester na itinaas yung handle ng maleta ko.

Kung si Bryan nakabackpack lang, ako naman todo maleta.

"Salamat.",sabi ko at ipinwesto na yun para hilahin.

Ngumiti lang si Jester.

"Dun na ako sa pila namin.",sabi nya.

Tumango lang ako at pinanood sya na maglakad papunta sa pila ng boys.

Mula nung araw na nanood kami ng sine ni Jester, parang naging mas malapit kami sa isa't isa. Nakakatuwa rin naman kasi na may nakakasama ako, nakakakuwentuhan. Lalo pa ngayon na hindi kami ganoon kaayos nina Chloe. Si Ingrid nga, minsan ko nalang rin makasabay. Hati kasi ang oras nya sa amin. Kaya kapag wala akong makasabay, si Jester na ang nag-aaya sakin. He became like, a boy bestfriend to me.

Pero hindi naman si Jester nag-oopen nung mga bagay na inaasahan ni kuya at paulit-ulit nyang ipinaaalala sakin. Na ginagawa daw 'to ni Jester para palihim na manligaw. Pero hindi naman yun ang tingin ko. Nakikipagkaibigan lang yung tao. Tsaka, natural syang gentleman kaya siguro nabibigyan ng kulay.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapalibot ang tingin sa paligid. So this is Camp John Hay. Nasa labas palang kami actually.

Pero sa loob, tanaw ko na yung gubat. Yung mga nakalawit na zipline, yung super lawak na open field. Sa labas nung camp eh may mga nakapalibot na kainan.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now