Chapter 42 Debut Excitement

53 2 0
                                    

CHAPTER 42 💕 Debut Excitement

Huminto yung galaw ng mga labi nya. Para syang nagfreeze sa leeg ko. Andoon pa din yung muka nya. Ramdam na ramdam ko yung mainit nyang hininga. Yung mabilis nyang paghinga. Hinayaan ko lang sya.

"I'm sorry.",halos pabulong na nyang sabi.

Hindi ako nakapagsalita. Hinaplos ko lang yung buhok nya.

"Abby, I'm sorry.",sabi nyang muli.

"Shh...I understand. It's okay."

Hindi pa din sya umalis sa leeg ko. Niyakap nya ang bewang ko.

"Sorry for everything.",bulong pa nya.

For everything? Ano bang sinasabi nya? Hindi ko maintindihan.

"I'm really, really sorry. Abby, I'm sorry. Mahal na mahal na kita..."

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Tinutukoy nya ba 'tong nagawa nya? Nagawa nya 'to kasi mahal na mahal na nya ako? Ano ba?

Humigpit yung yakap nya sa bewang ko. Nagulat nalang ako nang...nang maramdaman na basa na yung leeg ko. Naramdaman ko nalang rin ang pagsubsob pa ni Bryan ng muka doon.

Damn, he is crying.

"Bryan...",nasabi ko nalang.

Bahagya akong lumayo sa kanya. Pero pinigilan nya ako. Nagmatigas sya.

"No. Please listen.",sabi nya.

Nanahimik lang ako. Hindi ko alam kung bakit sya biglang nagkaganito. Gusto kong malaman. Tulad ng gusto nya, oo gusto ko syang pakinggan.

"I love you. Please believe me, I love you."

Ano bang sinasabi nya?

"Babe, syempre naniniwala ako dun. Kelan ba kita hindi pinaniwalaan ha?",sabi ko habang marahang hinahaplos yung buhok.

"Sorry kung ikaw. Sorry kung ikaw yung minahal ko. Hindi ko sinasadya."

Ano? Bakit sya humihingi ng tawad?

"Abby hindi ko sinasadya. It just happened. I swear it just did."

Napakagat ako sa labi. Napahikbi sya sa leeg ko. Oo umiiyak nga sya. Hindi ko man alam yung dahilan, nasasaktan ako para sa kanya.

"Bryan, tama na. Ako naman ngayon. Babe, mahal na mahal din kita. Wag kang magsorry dahil minahal mo ako. Ayoko na ginagawa mo yun kasi...pakiramdam ko, iniisip mo na mali ang mahalin ako."

Agad syang lumayo sa leeg ko at napatingin sakin. And now, I can clearly see his tears.

"Abby no. It's not what I meant. Damn I love you so much. Hindi ko yun kelanman iisipin. Pero..."

Nahinto sya at napakagat sa labi.

"Pero ano?"

Naupo sya sa kama. Ganun lang din ang ginawa ko. Nakatalikod sya sakin. Hinintay ko syang magsalita.

"Bryan, may gusto ka bang sabihin?",sabi ko.

"Abby I don't wanna hurt you.",sabi nya, hindi pa din sya lumilingon sakin.

Napakunot ang noo ko at agad na bumaba sa kama.

"Bryan hindi ko naiintindihan. Ipaliwanag mo naman oh. Naguguluhan ako eh. Kasasabi mo lang. Mahal na mahal mo ako, tapos ngayon...sasabihin mo na ayaw mo akong masaktan? Masaktan saan?",sabi ko.

Napabuntong-hininga sya at bumaba din sa kama. Lumapit sya sakin.

"Natatakot ako na masaktan ka, because I love you so much.",sabi nya habang marahang hinahaplos ng likod ng palad yung pisngi ko.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now