Chapter 21 First Day as His Girl

96 2 0
                                    

CHAPTER 21 💕 First Day as His Girl

Maaga akong nagising today. Hindi na ako nakatulog kanina sa sobrang excited ko, pero hindi ako puyat. Maganda ang gising ko! Ikaw ba naman eh.

"Good morning!",masigla kong bati habang pababa palang ng hagdan.

"Good morning baby ko.",sabi ni Mommy na palabas ng kusina.

Si kuya naman nakakunot ang noo na nakatingin sakin.

"Napapano ka?",sabi nya.

Natawa ako at naupo na sa pwesto ko sa tapat nya.

"Bumati lang naman ako ah. Anong masama dun?",sabi ko.

Napangiwi sya at bumalik na sa pagkain. Sumabay na din si Mommy samin sa pagkain. Nagkukwento sya tungkol sa progress ng resto.

Ako...nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko na ba yung tungkol samin ni Bryan. Kung kay Mommy, alam ko okay lang naman. Pero kasi, si kuya.

Parang nanginig ang buo kong katawan nang makarinig ng doorbell mula sa gate namin. OMG. Sya na yata yun.

"Ako na My!",sabi ko. Tapos mabilis akong tumayo at nagtatakbo papunta sa labas ng bahay.

Kaso...hindi si Bryan yung naabutan ko dun. Si Slater.

"Good morning Abby!",nakangiti nyang bati.

"Good morning.",sabi ko habang binubuksan yung gate.

"Eto pala, pancakes. Gawa ni ate. Masarap 'yan.",sabi nya.

"Wow. Thank you ah.",sabi ko.

"You're welcome. At nga pala Abby, pwede bang...pwede ba ulit kitang mayaya lumabas this weekend?"

Hala. Oo nga pala nanliligaw si Slater! Naku eh paano ko sasabihin na hindi na pwede kasi may boyfriend na ako? Ai hala makakasakit ako ng damdamin.

"A-Ano kasi Slater..."

Parehas kaming napatingin ni Slater sa kotse na bigla nalang huminto sa tapat ng bahay namin. OMGGGG!!!!

Yung kotse!

Natulala nalang ako doon sa kotse. Pati na rin nang bumaba yung driver at may-ari nun.

Agad na napako ang tingin ni Bryan kay Slater. Tapos napakunot ang noo nya. Naglakad sya, dire-diretso papasok sa gate namin. Nilampasan lang nya si Slater. Tapos...tapos tumigil sya sa tabi ko.

"What are you doing here?",sabi ni Bryan kay Slater. Anak ng!

Napakunot na rin ang noo ni Slater.

"N-Nagdala lang sya ng pancakes. Sige na. Tumuloy ka na dun sa loob.",sabi ko habang bahagya syang sinisiko.

Hindi maganda 'to.

"Dude, sorry but I definitely think na dapat mo nang ihinto ang panliligaw kay Abby.",sabi ni Bryan.

Natameme na naman ako.

"What are you saying?",sabi ni Slater.

"Dahil wala ka nang pag-asa."

"What the hell are you talking about?",parang naasar na na sabi ni Slater.

Nagulat naman ako nang bigla akong akbayan ni Bryan at hilahin palapit sa kanya.

"She's already my girlfriend.",sabi ni Bryan.

Halatang nagulat si Slater. Tapos nalipat yung tingin nya sakin. I saw pain in his eyes. Patay na.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now