Chapter 13 Frowning Bryan

72 5 0
                                    

CHAPTER 13 💕 Frowning Bryan

"Bakit ba ang tahimik mo?",tanong ko kay Bryan habang nandito kami sa loob ng kotse nya, nagmamaneho.

Mukang alam ko naman na ang sagot eh. Yun ay dahil sa heto ako ngayon, ipinagmamaneho nya pauwi sa bahay namin.

Halata naman kasing napilitan lang sya. Inutusan sya ni ate Lena.

"Mind your business.",sagot nya habang nakatingin lang sa daan.

"Ano kayang gagawin natin sa immersion?",sabi ko.

Hindi sya nagsalita.

"May titirhan kaya tayo dung hotel? O baka sa bahay-bahay.",sabi ko.

Hindi pa rin sya nagsalita.

"Ano kayang ipapagawa nila satin? Mahirap kaya o madali? Ano sa tingin mo?",sabi ko.

Hindi sya sumagot.

"Kung mahirap, pwede bang tulungan mo ako?"

Wala pa rin.

"Tsaka---"

Nagulat ako nang bigla syang magpreno.

"Baba."

Napakurap ako. Isa, dalawa, tatlong beses.

"A-Ano?"

"Kung hindi mo magagawang manahimik, bumaba ka na.",seryoso nyang sabi.

Napatungo ako at tumango.

"M-Mananahimik na.",sabi ko.

Hindi na sya nagsalita at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho. Kahit gusto kong makipagkwentuhan sa kanya, natatakot na akong magsalita dahil baka pababain nya nga ako.

Nakarating kami sa bahay namin nang hindi na nga ako nagsalita pa.

Binuksan ko na yung pinto ng sasakyan nya. Pero bago ako bumaba, nilingon ko na muna sya.

"Ano...sala---"

"Baba na. Bilis.",sabi nya.

Tumango nalang ako at bumaba na. Pagkasara ko nung pintuan, agad na syang nagmaneho paalis.

Pagpasok ko sa gate namin, medyo nagulat pa si kuya kong driver na nakauwi na ako.

"Hinatid po ako ni Bryan.",sabi ko lang at pumasok na sa bahay.

Nakakawalang-gana. Ang saya sana kasi hinatid na nya ako eh. Kaso ang sungit-sungit naman. Muntik pa akong pababain.

"O Abby. Naka---"

"Hinatid ako ni Bryan.",sabi ko lang kay kuya at dire-diretso nang naglakad paakyat.

Pagdating ko sa kwarto ko, agad na akong nahiga. Dumapa pa ako at sumbsob sa unan. Nakakainis talaga.

Bakit ba ang sama ni Bryan? Bakit pag ibang babae naman okay lang sa kanya? Ilang beses ko nga sya noon nakitang may isinasakay na iba't ibang babae sa sasakyan nya eh. Hindi naman nya siguro pinabababa katulad nung ginawa nya sakin. Nakakasama ng loob.

Sa asar ko, nagkulumbong nalang ako at natulog na. Humanda yang Bryan na yan sakin sa Monday. Akala nya patatahimikin ko sya? He wish!

~*~

Saturday na naman. Napuyat ako kagabi dahil sa kakalaro ng video games. Naiinis kasi ako kay Bryan kaya kailangan kong malabas ng inis. Eh ang tagal. Ayun inabot ako ng madaling araw. Kaane.

Alas nueve na pala. Malamang nakaalis na si Mommy para bisitahin yung business. Saturday kasi ngayon. Kaya maghapon sya doon.

May luto na kaa sa baba? Malamang.  Nagugutom na ako.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now