Chapter 23 Recess Date Together

73 2 0
                                    

CHAPTER 23 💕 Recess Date Together

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng mainit na bagay na dumampi sa noo ko. Nagshift ako sa seat ko at dahan-dahang mumulat.

Natagpuan ko si Bryan na pirmeng nakaupo sa driver's seat. Umayos ako ng upo at tumingin sa paligid. Nakahinto na ang sasakyan. At nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Nakatulog pala ako. Sorry.",sabi ko.

"It's okay.",sabi lang nya.

"So...pasok na ako.",sabi ko.

Nilingon nya ako.

"Nga pala Bryan, salamat sa date ah. Nag-enjoy ako ng sobra. Tsaka nabusog.",nakangiti kong sabi.

"I'm glad you did.",sabi nya.

Parang ayoko pang pumasok. Gusto ko dito lang muna ako, makikipagkwentuhan sa kanya. Kaso...late na eh.

Binuksan na ni Bryan yung pinto nya at bumaba. Tapos pinagbuksan din nya ako ng pinto. Bumaba naman na ako kaagad.

"Good night.",sabi nya.

Ngumiti ako. "Good night din.",sabi ko.

"I'll see you tomorrow.",sabi nya.

Ngumiti ako at tumango.

"Ingat ka.",sabi ko. Iniabot na nya sakin yung bag ko at mga libro ko.

"Ai!",sabi ko nang dumulas yung isa sa kamay ko. Nakakadistract naman kasi si Bryan. Nasalo nya yun at....

OMG. OMG. Ang lapit nya masyado, hindi ako makahinga.

Natigilan din sya at ibinalik ang titig ko sa mga mata nya. Matapos ay...napababa yun sa mga labi ko. Is he going to kiss me? O my God!

Unti-unting lumapit yung muka nya sakin. I slowly, close my eyes and---

"Ehem. Ehem."

Agad akong napamulat, habang agad na napalayo si Bryan. Narinig ko pa syang napabulong ng, kung hindi ako nagkakamali, 'dammit'. Tumingin ako sa nag-ehem-ehem. Si Kuya! Hai kahit kelan panira!

"Abby, pasok na.",sabi ni kuya.

Tumingin ako kay Bryan. Iniabot lang nya yung mga gamit ko na nahulog.

"Salamat.",sabi ko.

Tumango lang sya.

"Bye.",nangingiti ko pang sabi habang naglalakad palayo sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi sya lingunin. Kashe na
nemen.

"Abby dali!",sabi ni kuya.

Sa kanya ako napatingin.

"Oo na nga eto na!",sabi ko at mas binilisan na ang paglalakad. Pero bago ako tuluyang pumasok sa gate, nilingon ko muna ulit si Bryan at kinawayan. Tumango lang sya.

Pagkapasok ko ng bahay...

"Anak!",sabi ni Mommy.

"My!",sabi ko ata agad na tumakbo palapit sa kanya. Humagikgik sya, tapos sabay kaming naupo sa sofa.

Di pa man nya sinasabi, alam ko na kung bakit sya nag 'anak'. Kaya ayun. Hindi agad ako nagpalit at nagkwento muna kay Mommy tungkol sa date namin ni Bryan.

Maya-maya lang, pumasok na rin si kuya. Relax lang naman yung reaction nya.

"Umalis na sya kuya?",tanong ko.

Pinanliitan nya ako ng mata. Hai sus. Hindu pa rin nakakalimutan yung nakita nya kanina.

"Hindi naman natuloy ah!",depensa ko.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon