Chapter 22 Double Date

77 4 0
                                    

CHAPTER 22 💕 Double Date

"Saan ba talaga tayo pupunta?",tanong ko kay Bryan sa ikaanim na pagkakataon.

Nandirito kami sa kotse nya at naglalakbay patungo sa forever. Char! Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta eh. Kaya nga ako nagtatanong diba?

Narinig ko syang bumuntong-hininga. Nakukulitan na siguro 'to.

"Makulit ba ako?",tanong ko.

Nilingon nya ako.

"Seriously? Itatanong mo pa talaga 'yan?",sabi nya.

"Galit ka na ba?"

Bumuntong-hininga na naman sya. "Hindi ako magagalit kung tatahimik ka."

Napatungo ako at napakagat sa labi. Akala ko ba girlfriend nya ako. Akala ko ba mahal nya ako. Bakit sya ganito makipag-usap sakin.

"Abby...Abby I'm sorry. Hindi ko sinasadya.",sabi nya bigla.

Napatingin ako sa kanya. Talaga? Narinig ko ba talaga yun? Nagsorry sya.

"Okay lang. Kasalanan ko naman eh. Pero...sige. Para di ka na mairita, pipilitin kong manahimik.",sabi ko.

"No. It's fine. Kung gusto mong mag-ingay, just do it. Hindi naman ako naiirita eh. I'm just in the verge of thinking this time."

Tumango lang ako. Ganun pala. Pero tungkol naman kaya saan ang iniisip nya? Ai. Ayokong magtanong. Baka sungitan ako. Pero teka nga. Diba may karapatan naman ako kasi girlfriend nya ako?

"Bryan, pwede bang malaman kung ano yung iniisip mo?",sabi ko.

"Nah. Wala yun. Nothing important.",sabi nya habang nakatingin lang sa daan.

Tumango nalang ako ulit. Naabusan ako ng words. Tumingin ako sa labas ng bintana.

Totoo pala na may mga bagay na akala mo imposible nang mangyari pero, bigla-bigla nalang na dadating noh? Akala ko wala nang pag-asa yung pangarap ko na makaclose si Bryan pero tignan mo nga naman at higit pa sa close ang nangyari samin. Naging boyfriend ko pa sya.

Hindi na ako makakawait pa na hindi sya makabonding. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito!

"Bryan marunong ka bang magsurf?",tanong ko.

"Magsurf?",parang nagulat pa nyang sabi. Nilingon ko sya.

"Oo. Surfing, sa dagat. Marunong ka ba?"

"Well...er...no.",sabi nya.

"Ganun ba?" Sayang naman.

"Why?"

"A-Ano...Kasi..."

"Kasi?",sabi nya.

"Kasi...Gusto lang naman kitang makasama sa mga bagay na trip kong gawin.",halos pabulong ko nang sabi.

Parang nahiya naman ata ako bigla. Niyayaya ko lang naman ata sya!

"Trip mo ang surfing?",sabi nya.

Tumunghay ako at tinignan sya.

"Hindi ko sya trip. Mahal ko ang surfing.",sabi ko.

"Mahal? So, it's your passion?"

Tumango ako kaagad.

"And best hobby ever!",masigla kong sabi sabay appir pa nung mga palad ko.

"You compete?",tanong nya.

"Nagkucontest? Hindi eh. Ayoko ng ganun. Hobby lang.",sabi ko.

"Is it hard to learn?",sabi nya.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now