Chapter 33 My Special Girl

88 4 0
                                    

CHAPTER 33 💕 My Special Girl

"Ano?! Kuya kasama kayo samin ni Bryan sa Surigao?"

"Oo! Eh bakit ganyan ka makareact? Parang ayaw mo kaming sumama ah.",sabi nya.

Ayoko talaga. Gusto ko kami lang. Para solo ko si Bryan.

"Hindi naman sa ganun, pero, bakit?"

"Eh kasi gusto din namin mag Surigao? Ano bang issue mo bess?",sabi ni Ingrid.

"Gusto nya solo nya si Brylen.",sabi ni Koden na madaldal.

Nilingon ako ni Bryan, na nakaismid.

"Hoy hindi totoo yun ah!",sabi ko agad.

Sinungaling ko diba?

"Eh bakit nga?",sabi ni Chanz.

"Nashock lang. Eh kasi naman hindi kayo nagsabi nung una palang eh. Edi sana sabay-sabay tayong nakideal sa 80 pataas na exam grade.",sabi ko.

"Eh hindi na talaga tayo matutuloy pag nagkataon.",sabi ni Koden.

"Well kelan na ba yan?",sabi ni Chloe.

"Bukas na.",sabay naming sabi ni Bryan.

"Bukas na?!",sabi nila.

~♥~

"Abbielyn tara na!"

"Oo andyan na!",sigaw ko kay kuya habang tumatakbo pababa ng hagdan sakbit yung traveling bag ko at bitbit yung surfboard ko.

"Ang tagal!",sabi ni kuya sabay labas na. Kita mo yun? Di manlang ako tinulungan sa mga gamit ko!

Lumabas na ako ng bahay. At kaya naman pala hindi na ako tinulungan, andoon na sina Bryan.

"Morning babe.",bati nya sakin habang kinukuha yung bag ko.

Bumaba sa van si Koden. Si Chanz naman, nakita ko doon sa likod, may neck pillow at mukang handa nang matulog.

"Good morning.",bati ko pabalik.

"Let's go! Sunduin natin sina Dean.",sabi ni Koden.

Napatingin ako kay Bryan. Nakatingin sya doon sa hawak kong surfboard.

"Cool.",sabi nya.

Tinignan ko yun. Color pink yung surfboard kong yun na dinodelan ko. Color black yung color nung doodle ko. Mga flowers yun at monsters, at kung sinu-sinong cartoon characters.

Napangiti ako. "Thanks.",sabi ko kay Bryan.

"How talented.",sabi pa nya, tapos ay nilead na ako papasok sa van.

Doon ako naupo sa tabi ng bintana. Si Bryan naman, sa tabi ko. Si kuya sa front seat, tapos si Chanz naman magdadrive.

Nagpaalam kaming lahat muna kay Mommy. Tapos nun, umalis na kami. Sinundo namin sina Dean. Kasama na nya si Chloe at Ingrid. Ang iingay nung nagsisakayan. Maingay na nga kanina sina kuya, Koden at Bryan, umingay pa lalo nang dumagdag yung dalawang bungagera.

"Ako dyan Chloe!",sigaw ni Ingrid sabay hila sa damit ni Ingrid. Tapos inunahan nya 'to sa tabi ni Chanz.

"Leche ka!",sabi ni Chloe at sa tabi nalang ni Bryan naupo. Tapos sa tabi nya si Dean.

"Wohoo! Ayos 'to. Malamang madaming chiks dun.",sabi ni kuya.

Tumawa si Koden.

"Yeah. Also looking forward to that.",sabi ni Koden.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now