Chapter 54 Abby's Resignation

73 2 0
                                    

CHAPTER 54 💕 Abby's Resignation

Lunch time na. Kaso wala pa din si Bryan. Paano kasi, inexcuse sya ni Coach sa basketball para tignan yung performance ng mga new recruit sa team. At hanggang ngayon, di pa din sya nakakabalik.

Kaya heto, mag-isa ako na naglalakad papunta sa benches. Itinext ko na din si Chloe at Ingrid na sa kanila kami sasabay today.

Halos mapuno ang corridor dahil sa dami ng nakatambay na mga estudyante.

"Ui sandali!",sigaw ng isang lalaki na mabilis na tumatakbo at binibiak ang daan sa corridor. At dahil sa kakamadali nya, nabunggo nya ako bigla, dahilan para magtalsikan yung mga gamit ko. "Sorry miss!",sigaw nya.

Napabuntong-hininga nalang ako at pinulot na agad isa-isa yung mga gamit ko. May mga tumulong naman. Kaso mas marami yung mga walang pakealam at tapak-tapakan lang yung mga gamit ko.

Last na libro ko nang nahulog ang pupulutin ko nang bigla akong makarinig nang matinis na tunog na tila irit mula doon sa speakers ng school. Napadaing din yung ibang mga estudyante. May iaannounce ata. Yung speakers kasi na yun, nakakabit at nakakalat sa iba't ibang parte ng campus. Kada classroom meron din. Kaya kapag may sinabi o pinatunog sa mike na nandoon sa music studio, madidinig ng buong Patterson University.

Mabilis kong pinulot ang libro ko at nagsimula na muling maglakad.

"Iplay mo na!",sigaw ng maarteng boses sa speakers. Nagsimula na agad ang bulung-bulungan sa paligid. Sino pa nga ba ang may-ari ng nakakatuliling boses na yun? Edi si Bethany. Bethany the bitch.

Napailing ako at naglakad lang. Ano namang ginagawa ng babae na yun sa music studio? At ano na naman ang balak nyang ibida?

("Si Abby?")

Automatic akong napahinto sa narinig kong boses sa speaker.

("Yes Bryan. Si Abby. I am asking you if you even like her.")

Chloe? Ano 'to?

("Chloe, alam mo ang sagot sa tanong mong 'yan.")

Napakagat ako sa labi.

("Come on Bryan! Just answer it.")

("No. Of course not.")

Pakiramdam ko, biglang nahinto ang paghinga ko sa narinig ko. Ramdam ko ang mga tingin sakin ng mga tao sa paligid. At gustuhin ko man na umalis sa pwesto ko, hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw. Ano 'tong naririnig ko ngayon? Kelan pa 'to? Bakit si Bryan...si Chloe...

("Then bakit sya?!") -Chloe

("Dahil sya ang pinakamadaling paraan Chloe!") -Bryan

("So you are just using her?") -Chloe

Napapikit ako nang madiin. Napahawak nang mahigpit sa mga bitbit kong libro.

("Exactly.")

Mabilis na tumulo ang maiinit na luha mula sa pisngi ko. Narinig ko na ang pagsisimula ng bulungan sa paligid.

("Bryan alam mo ang nararamdaman nya para sayo.") -Chloe

Naramdaman ko ang pagriring ng phone ko sa bulsa ko. Pero wala ako sa wisyo na sagutin iyon, kahit sino pa man ang tunatawag. Wala ako sa wisyo na gumawa ng anuman kasi kasalukuyan akong ibinabaon sa sakit ng katotohanan.

("Kaya nga. At kaya nga sya ang napili ko. Did you see how desperate that bestfriend of yours is? I'm sure kapag inalok ko sya na maging girlfriend, ikatutuwa nya at papayag sya agad. Agad-agad. So we don't have to wait any longer. Magkakaroon na tayo agad ng solusyon sa problema natin.")

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon