Chapter 14 Abby in Trouble

70 2 0
                                    

CHAPTER 14 💕 Abby in Trouble

Lunes na naman mga kababayan. Ang saya nga eh. Pag-uusapan na yung immersion namin para bukas. Hanggang Huwebes yun. Tapos Friday free day na namin. Rest day ba.

Nung Saturday, namasyal nga kami ni Slater. Namasyal kami sa mall, kumain, namili ng kung anu-ano. Pero di na rin ako masyadong bumili kasi si Slater prisinta nang prisinta magbayad Tutmututol naman ako noh. Kaso mapilit lang talaga sya.

Tulad din ng sinabi ni kuya, maaga nya nga akong inuwi. Mabait naman si Slater eh. Pero noon pa, sinabi ko naman sa kanya na hindi ako payag magpaligaw. Pero di daw sya susuko! Boom panes. Ganda ko kase.

Sumama ako para sabihin at ipaalala yun at hilingin na magkaibigan nalang kami kaso ayaw nya! O my gosh.

Mabait naman si Slater eh. Gwapo pa. Nakatira kami sa iisang subdivision. Kalilipat lang nya dun 5 months ago at nagkakilala kami nun nang masiraan sya ng sasakyan sa tapat ng bahay namin. Ako yung tumawag ng tulong para sa kanya. Tapos ayun sya at dinalhan ako ng thanksgiving gift na Italian style pasta. Hanggang sa nagdire-diretso na. Nagsabi na sya na manliligaw daw sya.

Ewan ko kung anong gagawin ko kay Slater. Makulit kasi Bryan. Ayaw lumabas sa puso ko.

Pagpasok ko sa classroom, nag-iingay na at nag-uusap-usap tungkol sa immersion. Nilibot ko ang mata ko sa room. Wala pa rin si Bryan. Ano ba naman yan.

Napabuntong-hininga ako at naupo sa tabi nung pwesto nya. Dinalhan ko pa naman sya ng brownies na nabili ko sa Max's nung Sabado. Ang sarap kaya nito. Favorite ko nga eh.

Humalumbaba nalang ako at nagmasid-masid. Nasaan na ba yun? Bakit ang tagal.

Ilang saglit lang, para akong nabuhayan ng dugo nang makita syang naglalakad na papasok ng classroom.

As usual, gwapo na naman sya. As usual din, yung mga kaklase ko umiikot ang ulo. Naupo na sya sa pwesto nya.

"Good morning!",masigla kong bati.

Hindi nya ako pinansin. Pagkababa nya nung bag nya, sumandal lang sya sa upuan at humalukipkip. Tapos pumikit.

"Bryan.",tawag ko. Kinuha ko yung mga dala kong brownies. Tatlo 'to. Para I Love You. Char! Ang corny.
"May ibibigay ako sayo."

"Shut up.",sabi nya.

"Naman eh. Madali lang. Eto oh."

Napakunot ang noo nya bago pa sya dahan-dahang magmulat.

"Tadah.",sabi ko sabay pakita nung tatlong balot ng brownies.

"Ayoko.",sabi nya sabay pikit ulit.

Napakamot ako sa ulo at hinila yung isa nyang kamay.

"O ayan.",sabi ko sabay patong nun.

"Ano ba! Bakit ba napakakulit mo ha?",sabi nya sabay hila nung kamay nya. Kaya nalaglag yung brownies.

Nakatingin na samin lahat.

"Binibigyan lang naman kita ng pagkain ah. Paborito ko yan kaya gusto ko lang ipatikim sayo.",sabi ko.

"Diba sabi ko ayoko? So just stop.",kunot na kunot ang noo nyang sabi.

Tapos yung isang brownie na nalaglag sa table nya, tinaboy nya ng kamay kaya tumalsik yun sa sahig.

Napatungo nalang ako at napakagat sa labi para pigilan ang pag-iyak. Ang sama nya! Bakit nya ako pinahiya ng ganito?

"Kung ayaw mo, wag mo!",sabi ko. Mabilis kong pinunasan yung namamasa ko nang mga mata.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now