Chapter 37 My Boyfriend, My Savior

77 1 0
                                    

CHAPTER 37 💕 My Boyfriend, My Savior

"Before the start of our practice, well that's after classes, I'll take you home first, then I'll go back to school."

"Ha? Ang hassel naman nun.",sabi ko.

"But I'm happy with it.",sabi nya.

"Babe pahirap ka sa buhay eh. Pwede naman na sa umaga mo ako sunduin, tapos sa hapon, magpasundo nalang ako sa driver."

"Nah. I want your day to end with me, so that'll be the plan.",sabi nya.

"Ayoko.",sabi ko sabay halukipkip pa.

"Babe...",alo nya.

"Hindi. Papagurin mo ang sarili mo eh. Tignan mo ah. Gigising ka ng maaga para sunduin ako. Tapos maghapon, aattend ka ng klase. Nakakapagod na yun. Tapos magmamaneho ka pa ng higit 20 minutes para lang ihatid ako pauwi? Another 20 minutes pabalik sa school. Pagbalik mo, agad-agad simula ng ilang oras na training. No way. Sa driver nalang ako magpapahatid."

"Babe kaya ko, okay?"

"Not okay. Makinig ka nga sakin Bryan. Alam kong gusto mo lang akong makasama. Pero, ayoko naman na masyado kang nagpapakapagod para lang sakin, gayung may choices naman tayo. Tsaka wag kang mag-alala. Kapag hindi ako busy, baka sabayan pa kita pag-uwi."

Napanguso sya at napabuntong-hininga.

"Diba makikinig ka sakin?",sabi ko.

"Yeah, fine. Payag na 'ko.",sabi nya. Pero ngulngol ata mas tamang term.

"Ano yun? Hindi narinig ng girlfriend mo, Mr. Esguerra.",sabi ko.

Bumuntong-hininga sya ulit at tumingin na sakin.

"Opo. Payag na po ako. Sa umaga nalang po kita susunduin, tapos sa driver ka magpapahatid.",sabi nya.

Napangiti ako.

"Very good.",sabi ko.

"Babe, para sayo din naman 'to eh.",sabi ko nang mapansin ang disappointed nyang pagmumuka.

"Yeah, I know. And babe, thanks for understanding.",sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Napangiti naman ako nang halikan nya yun.

"Hindi naman kita iniintindi eh.",sabi ko.

Bahagyang napakunot ang noo nya.

"Sinusuportahan kita. Ganun naman talaga dapat diba?",sabi ko.

Napangiti sya at niyakap ako mula sa likod. Magkacross yung mga braso ko habang yakap nya ako.

Nga pala. Nalimutan kong sabihin kung nasan kami. Nandito kami sa may gilid ng bangin. Ewan ko kung bakit may ganitong lugar na alam si Bryan. Pero, wala na akong pakealam. Ang ganda kasi dito. Mataas, kaya kitang-kita yung mga building. Napawow na nga lang ako dito eh. Napakahangin pa. Tsaka yung Manila Bay tanaw dito. Ang astig.

"Thank you for the support.",sabi nya.

"You are very welcome mahal ko.",biro ko.

Napachuckle sya at hinalikan ako sa sentido.

"Mahal ko.",ulit nya.

Umikot ako para makaharap sa kanya. Kay magkahawak nalang yung mga kamay namin.

"Tara na? Humahapon na oh. Lagot ka kay kuya.",sabi ko.

Tumawa sya. "That kuya of yours is psychotic."

Ako naman ang napatawa. "Isusumbong kita.",sabi ko. "Pero sa bagay. May tama ka naman."

Tumawa sya at nailing-iling. Tapos ay inakbayan ako at nilead na papasok ng sasakyan.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon