Chapter 46 When Babe Got Drunk

60 1 0
                                    

CHAPTER 46 💕 When Babe Got Drunk

Pagdating namin sa restobar nina Dean, grabe-grabe. Ang daming tao! Nirentahan pala ng school itong buong lugar para lang sa celebration ng championship ng Patterson. Gagraduate na kasi ang marami sa players kaya gusto talaga nila bongga na itech!

Hawak ni Bryan yung kamay ko nang pumasok kami sa restobar. Pinagtitinginan pa kami. Medyo nakakailang pero nasasanay na din naman ako. Ikaw ba naman maging girlfriend ng famous eh!

Pagdating pa namin sa table ng team, huwaw lang. Shout out kung shout out!

Binati din nila ako. Si kuya hindi na umuwi, makaparty lang kaagad. Hamit talaga!

Naghiwa-hiwalay sila ilang saglit lang.

Ang daming babae. Si kuya, nakita ko doon sa isang table, nilalapitan ng mga babae. Nakakayamot. Mga mahadera! Si kuya naman, enjoy na enjoy.

Tapos sa kabila naman, nakita ko si Chanz na may katabi ding babae. Nakaslouch sya at may hawak na inumin. Muka syang inaantok pero party high naman.

Si Koden, andoon sa dancefloor. As usual, energetic sya. At napakadaming babaeng nahahatak. Babaero nila noh?

Sa gilid naman, sa may sofas, nakita ko si Chloe at Dean na magkatabi. Pero hindi sila solo. Nakapaligid sa kanila ang basketball team. Hindi din sila magkaakbay o magkahawak kamay. Magkatabi lang talaga.

Si Bryan? Heto sya sa tabi ko. Simula pa kanina nung dumating kami dito, hindi na sya humiwalay. Nakaupo lang naman ako sa isang lamesa at kumakain ng hapunan na kinuha ko sa nakacater na mga pagkain.

Nakaupo sa tabi ko si Bryan na nanonood lang. Ewan ko kung sakin o sa mga nagdaraan.

"Babe hindi ka ba nagugutom?",sabi ko sabay subo nung ulam kong steak.

"Nope.",sabi nya.

Nilingon ko sya. Nakasandal lang sya sa upuan nya, habang yung isang braso, nakahanday sa sandalan ng upuan ko.

"Bakit hindi ka nakikiparty?",sabi ko.

"Kung nasan ka, nandun ang party.",sabi nya.

"Ha?",sabi ko.

Nagshrugg lang sya at tumingin sa nagkakagulong crowd. Napansin ko yung mga babae sa paligid. Mga nakahanda ang phone. Mukang gusto nilang magpapicture kay Bryan. Kaso, mukang nahihiya...o natatakot ata silang lumapit.

May napansin akong dalawang...junior ata yun na nakatingin samin. Tahimik lang sila. Pero tingin palang, alam mo na yung balak nila.

Napatingin sila sakin. Ngumiti naman ako at sinenyasan silang lumapit. Nanlaki yung mga mata nila. Tumango naman ako para ikonfirm na sila nga yung tinatawag ko.

Dahan-dahan silang lumapit.

"B-Bakit po?",nahihiyang sabi nung isa.

Nilingon ko si Bryan. Nakatingin pa din sya sa crowd habang medyo tumatango at sinasabayan yung music.

"Gusto nyong magpapicture kay Bryan diba?",sabi ko.

Naramdaman ko na lumingon na si Bryan. Nilingon ko din sya. Taka nya akong tinignan.

"Ah...ano po...kasi..."

"Akin na yung phone nyo. Kukunan ko kayo dali. Last year na nya 'to kaya mahalaga na magkaremembrance kayo.",sabi ko.

Agad na nagsingitian yung dalawa. Tapos inabot nila sakin yung phone nila.

Nilingon ko si Bryan.

"Babe smile ka ah.",sabi ko sabay tayo na.

Bahagya pang nakakunot ang noo nya. Pero nang tignan nya dalawang juniors, napalitan yun ng ngiti.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now