Chapter 17 Text Message

70 4 0
                                    

CHAPTER 17 💕 Text Message

Masaya kaming kumain. Sabay-sabay kami. Hindi kami kasya sa lamesa kaya naman sa papag kami kumain. Ang arte naman nina Hollymaw at Mariejuana. Talagang ayaw nila kumain. Parang sa pusa lang yung kinain nila.

Kakwentuhan ko yung mga bata. Andami kasi nilang tanong. Si Bryan naman, kinakausap din nila. Kaso ang tipid sumagot. Si Holly at Marie naman masungit masyado. So wala silang choice. Ako lang kausap nila.

Pagkatapos kumain, kanya-kanya na kaming pwesto sa pagtulog. May mga nagroronda din kasing teachers at pinatutulog na kami dahil maagang-maaga daw kami bukas. Sana kayanin ko. Wala pa naman yung alarm clock ko.

Doon si Bryan pumwesto sa pinakagilid, sa tabi nung dingding. Tumabi naman sa kanya yung malanding halimaw na si Holly. Tapos katabi ni Holly si Mariejuana tapos si Pinang, tapos ako. Tapos sunod-sunod na yung mga bata hanggang kay Aling Dina at Mang Kanor.

"Good night po!",sabi ko nang patayin na nila yung ilaw.

"Good night ate Abby.",sabay-sabay na sabi nung mga bata.

"Good night Abby.",sabi ni Aling Dina.

Inayos ko na yung kumot ko. Matapos ay pumikit na at natulog.

~*~

Two a.m palang ng madaling araw. Pero nagising ako dahil sa curiosity ko sa mystery ng dagat dito. Kaya dahan-dahan akong bumangon at naglakad palabas ng bahay dala yung notebook at lapis ko.

Malamig sa labas. Ang lakas ng hangin. Tsaka, low tide pa pala.

Wala pang katao-tao sa paligid.

Diretso ako sa paglalakad. At nang mayapakan ko yung tubig. Grabe lang ang lamig.

Itinaas ko yung pajamas ko at hinubad ang tsinelas ko. Tapos ay naglakad pa sa medyo malayo.

Sumalok ako ng tubig at tinikman yun. Ganun ulit! Bumalik ako sa dalampasigan. Naupo ako sa tsinelas ko at nagsulat.

Tumitig ako sa magandang dagat. Kahit madilim pa, ang ganda kasi tinatamaan yun ng liwanag ng buwan.

Ilang saglit lang, nakaramdam ako ng lamig. Kaya naman, tumayo na ako para bumalik sa kwarto.

Tumayo na ako at humarap na sa daraanan ko.

"Ai palaka! Palaka! Palaka!"

"I am not a frog."

Dahan-dahan akong napamulat. Napahinga naman ako ng malalim ng makita na si Bryan lang pala. Si Bryan. Wait! Si Bryan?!

"B-Bryan?",hindi makapaniwala ko pang sabi. Tinignan lang nya ako. Sya ba talaga 'to? Hindi pa naman ako inaantok.

Nilapitan ko yung muka nya tapos sinundot ko yung pisngi nya.

"Hey what are you doing?",sabi nya sabay tapik sa kamay ko.

"Ai totoo ka.",sabi ko. Napakunot ang noo nya. "Bakit ka nandito?"

Hindi sya nagsalita at nilagpasan ako. Tapos naupo sya doon sa buhanginan.

Hindi na ako nagdalawang-isip at sinundan na sya. Naupo din ako sa tabi nya.

"Bakit ka nga nandito? Sinundan mo ako?",sabi ko. Ha! Hindi kaya... "May gusto ka din sakin noh?"

Napakunot ang noo nya tapos nilingon nya ako.

"Hindi ako makatulog dahil sa tigas nung hinihigaan, wag kang assuming.",sabi nya.

"Grabe naman 'to. Masama ba mag-assume?",sabi ko.

Hindi sya nagsalita.

"Ui Bryan. Gusto mo bang tikman yung tubig?",sabi ko.

 Hopelessly in Love with Mr. Perfect (Brylen Esguerra's Heart)Where stories live. Discover now